Mga Filipino pwede nang makakuha ng libreng e-visa sa Russia
Posted by: AdminMH
Oct 09, 2019
Mula Oktubre 1, maaari nang makakuha ang mga Filipino ng e-visa patungong Saint-Petersburg at Leningrad, Russia. Libre ang pag-apply sa e-visa at hindi nangangailangan ng paunang book ng ticket patungong Russia o hotel kung saan panandaliang titira.
Kasama ang mga Filipino sa 53 nationalities na pinayagang makakuha ng e-visa. Kabilang ng Pilipinas ang Singapore, Indonesia, at Malaysia sa mga bansang South East Asia na nasa listahan.
Pwedeng mag-apply ng e-visa hanggang apat na araw bago ang departure date patungong Russia. Ang bawat e-visa ay pwedeng gamiting sa loob ng 30 na araw mula sa approval date. Maaaring magtagal ang isang Filipino tourist sa Russia nang hanggang walong araw gamit nito. Hindi pwedeng ma-extend ang expiration date at ang travel duration ng mga e-visas.
Ayon sa Khaleej Times, maaari lamang gamitin ang e-visa sa Pulkovo Airport. Hindi ito valid sa iba pang airport ng Russia gaya ng Sheremetyevo Airport sa Moscow. Good news dahil may direct flights mula Doha, Dubai, at Qatar patungong Pulkovo Airport.
Paano mag-apply?
Madali lang ang pag-apply ng e-visa.
Step 1: Pumunta sa Russian Foreign Ministry website (https://electronic-visa.kdmid.ru/spb_home_en.html).
Step 2: Kumpletuhin ang form na nasa website
Step 3: Hintayin ang kumpirmasyon ng iyong e-visa.
Makukuha ang notipikasyon ng iyong e-visa sa iyong ni-register na e-mail. Siguraduhing tama ang nailagay sa application form para makakuha ng approval.
Matapos makuha ang approval ng iyong e-visa, i-print ito at dalhin sa iyong trip. ‘Yung printed copy ang ibibigay na dokumento sa immigration officer pagdating sa Pulkovo Airport. Hinihikayat ang mga turista na i-print ang e-visa at hindi i-save sa cellphone o sa laptop, dahil maaaring ma-hack ito ng iba.
May konting limitasyon ang e-visa gaya ng hindi maaaring pumunta sa ibang lugar ng Russia maliban sa Saint Petersburg at Leningrad. Gayunpaman, maraming tourist spots na pwedeng puntahan gaya ng The Hermitage, Peterhof, at St. Isaac’s Cathedral & Colonnade.
Photo by Michael Parulava https://unsplash.com/@parulava