ALAMIN: Anu-anong propesyon ang kailangan ng PRC license at paano i-renew ito kapag nasa abroad?
Posted by: AdminLD
Nov 03, 2019
Isa sa mga importanteng ID ang Professional Regulation Commission (PRC) license para sa mga propesyonal gaya ng mga accountant, engineer, doktor, at nurse. Dagdag kwalipikasyon ang PRC license tuwing naghahanap ng mga trabaho sa Pilipinas at ibang bansa. Kung kaya’t kailangang laging up-to-date lagi ang iyong PRC license.
Ang PRC license ay valid hanggang tatlong taon. Bago matapos ang ikatlong taon, kinakailangan nang i-renew ito. Huwag mag-alala, madali lang mag-renew ng PRC license.
Anu-ano ang kailangang ihanda para sa pag-renew ng PRC license?
- Passport-sized picture na may white background at name tag
- Bayad para sa renewal fee
- Earned CPD units
- Certificate of Good Standing – para lamang sa mga propesyonal gaya ng:
- Aeronautical Engineers
- Agricultural and Biosystems Engineers
- Architects
- Customs Brokers
- Registered Electrical Engineers / Professional Electrical Engineer / Registered Master Electrician
- Professional Electronics Engineers / Electronics Engineer / Electronics Technician
- Geodetic Engineers
- Guidance and Counseling
- Environmental Planner
- Interior Designers
- Landscape Architects
- Librarian
- Psychologist / Psychometrician
- Real Estate Services
- Respiratory Therapist
Paano kung ako’y nasa ibang bansa?
Maaari kang maghalal ng isang representatibo para i-claim ang iyong PRC ID. Kung ang representatibo mo ay kapwa propesyunal, kinakailangan lang na magpakita siya ng authorization letter kasama ng kanyang valid PRC ID. Kung ang representatibo ay walang valid PRC ID, dagdag sa authorization letter at valid government ID ay ang Special Power of Attorney mula sayo.
Paano mag-renew ng PRC license?
Step 1: Siguraduhing kumpleto ang iyong mga requirements.
Step 2: Pumunta sa opisyal na website ng PRC at simulan ang aplikasyon.
Step 3: Maglog-in sa iyong account gamit ang Sign In button. Kung wala pang account, maaaring gumawa ng bagong account gamit ang Register button. I-follow ang mga prompt at ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
- Gumaganang e-mail address (preferably Gmail)
- Current phone number
- ID photo
- Valid ID
- Personal info
Step 4: Matapos mag-log in o gumawa ng account, kumpletuhin ang iyong profile. Siguraduhing hindi blanko ang mga required na item.
Step 5: Mag-upload ng photo. Kinakailangang 2×2 ang photo na ilalagay at may white background. Kinakailangang ring hindi tatanda sa anim na buwan ang photo. Siguraduhin nakasuot ng propesyunal na damit, gaya ng collared shirt. Bawal ang glasses at ‘di rin dapat nakatago ang iyong mga tenga.
Step 6: Matapos mag-upload ng ritrato, piliin ang RENEWAL bilang transaction type. Matapos ay piliin sa listahan kung anong propesyon ka nabibilang.
Step 7: Piliin kung saang PRC office mo nais i-claim ang iyong bagong ID.
Step 8: Piliin kung papaano mo nais magbayad ng PRC ID. Hintayin matapos ang payment verification.
Step 9: I-claim ang iyong PRC ID. Tandaan: kinakailangang dalin ang sumusunod na mga dokumento para makuha ang PRC ID:
- Original and photocopy of each certificate with earned CPD units
- Original and photocopy of the expiring PRC ID
- Printed Online Application for Professional ID Card
- Printed Payment Confirmation Form
Kung representatibo ang kukuha ng iyong PRC ID, dapat maipakita rin niya ang mga dokumentong ito para mairelease ang iyong PRC ID.
Ganun lang kadali. Kung hindi mo maipapadala ang mga dokumento, maaaring itaon ang iyong pag-renew ng PRC license sa susunod mong bakasyon sa Pilipinas!
Image Credit: Kaitlyn Baker | Unsplash