ALAMIN: Paano kumuha ng Saudi Arabia eVisa?
Posted by: AdminMH
Oct 30, 2019
Inilunsad ang Saudi Arabia eVisa kaakibat sa pagbubukas ng bansa sa mga banyagang turista noong Setyembre 28. Ang mga mamamayan ng 49 bansang idineklara ay maaaari nang makakuha ng eVisa at tourist visa. Hindi lang ‘yon! Kung ikaw ay galing sa mga bansa na wala sa listahan, pwede ka pa ring makakuha ng eVisa kung may visa ka na mula sa US, UK, o EU’s Schengen Area.
Mabilis at madali ang pagkuha ng eVisa kumpara sa normal tourist visa. Online lang ang transaction at hindi na kailangan magpunta ng aplikante sa consulate para sa interbyu.
Paano mag-apply?
Step 1: Kumpletuhin ang form mula sa https://www.saudiarabiavisa.com/online-application-form/. Maliban sa personal na impormasyon, kinakailangang sagutin ng aplikante ang mga tanong na security-related.
TIP: Siguraduhing tama ang impormasyon na ilalagay. Magiging invalid ang eVisa kung may mali sa form na isa-submit.
Step 2: Magbayad ng $120 para sa visa processing fee. Maaaring gamiting ang credit card o debit card para rito.
Step 3: Hintayin ang visa approval na ipapadala sa iyong email address.
Ganun lang kadali! Kapag natanggap na ang visa approval, i-print ito at ipakita sa immigration pagdating sa Saudi Arabia.
Maaaring magtagal sa bansa ang isang eVisa holder ng hanggang 90 days mula sa date nang pagka-aprub. Valid rin ang eVisa sa loob ng isang taon. Maaari ring magpabalik-balik ang isang eVisa holder dahil multiple-entry visa ito.
Maraming turista ang gustong makapasyal sa Saudi Arabia dahil sa historical value nito. Sa loob ng 10 araw mula nang binuksan ang bansa para sa mga turista, may 24,000 nang banyagang turista ang bumisita. Patuloy na pinalalawak ang turismo ng bansa gaya ng pagpayag ng pagtanggap sa mga hotel ng mga babaeng solo travelers o unmarried na banyagang turista.
Image Credit: Nicole Geri | Unsplash