ALAMIN: Paano nga ba mag-renew ng Philippine passport habang nasa Saudi Arabia?
Posted by: AdminLD
Nov 28, 2019
Address: Alradaef St., Al Safarat, Riyadh (next to the Embassy of Jordan and across the Embassy of Canada)Gusto mo bang magbakasyon sa iba’t ibang bansa pero pa-expire na ang iyong passport? Huwag mabahala! Hindi mo kailangang magbook ng emergency flight pabalik ng Pilipinas para lang magparenew ng passport.
Pwedeng magparenew ng Philippine passport sa Embahada ng Pilipinas sa may Al Safarat, Riyadh.
Anu-ano ang requirements?
- Printed email confirmation of your online appointment.
- Nakumpletong passport application form
- Riyadh: Makukuha sa Information Desk ng Embassy lobby at Window 3 ng Consular Section (or download here).
- Jeddah: Available sa Window 4 ng Consular Section (or download here).
- Original passport
- Photocopy ng passport data page
Saan pwedeng mag-renew ng passport?
Maaaring magrenew ng passport sa dalawang lokasyon sa UAE.
1. Embahada ng Pilipinas sa Al Safarat, Riyadh
- Contact information:011-482-3816 (8 a.m. to 5 p.m.) / 011 482-3559 (5 p.m. to 8 a.m.)
- Email address: consular@philembassy-riyadh.org
- Office days: Sundays to Thursdays, 8 a.m. to 5 p.m.
- Consular jurisdiction:
- Riyadh
- Al-Jouf
- Eastern Province
- Hail
- Qassim
- Northern Border
2. Philippine Consulate sa Jeddah
- Address: 4663 Fajr St., Al Rehab District 6, Jeddah
- Contact information: 055-5219-614
- Email address: consular@pcgjeddah.org
- Office days: Sundays to Thursdays, 8 a.m. to 5 p.m.
- Consular jurisdiction:
- Al- Baha
- Assir
- Jizan
- Madinah Al Munawarah
- Makkah Al-Mukarramah
- Najran
- Tabuk
TIP: Madalas ring nagfa-facilitate ang Philippine Consulate ng mga special outreach mission kung saan pwedeng magrenew ng passport. Maaaring tignan ang Facebook pages ng Philippine Embassy in Saudi Arabia at Philippine Consulate General in Jeddah para malaman kung kailan at saan ito gaganapin.
Paano mag-renew ng passport?
Step 1: Kumuha ng passport appointment sa ePassport Appointment System. Para sa mga first-time users, kailangan munang magregister gamit ang personal email address. Matapos magbook, makakuha ka ng email confirmation. Siguraduhin na basahin at sundin ang instructions na nakalagay sa email.
Step 2: Pumunta sa Embahada o sa Consulate sa nakatakdang schedule sa iyong reserved appointment. Mas mabuti kung makakarating sa Embahada o sa Consulate nang maaga (15-30 minutes bago ang iyong schedule).
Dalhin ang iyong iqama dahil kailangan iyon para makakuha ng guest ID.
Step 3: I-submit ang mga dokumento sa Embahada o sa Consulate maliban sa iyong old passport. Kailangan mong ipakita ang iyong old passport kapag ike-claim na yung bagong passport.
Step 4: Tumungo sa encoding area para makuha ang iyong photo at biometrics. Bibigyan ka rin ng isang collection slip pagkatapos nito.
Step 5: Magbayad ng passport renewal fee. Nagkakahalaga ito nang SAR 240.
Step 6: Matapos ang 6-8 weeks, ready na ang iyong passport! I-check kung available na ito sa Philippine Embassy o Consulate website para sa updates kung ready na ito for releasing.
Kung higit nang dalawang buwan ang nakalipas at hindi pa rin available ang iyong passport, mag-email sa Embassy o Consulate para i-follow up ito.
Step 7: I-claim ang iyong passport. Siguraduhing dala mo ang official receipt at old passport para ma-claim ito.
Maaaaring kumuha ng representative para ma-claim ang iyong passport. Siguraduhing may dalang authorization letter at kopya ng iyong ID. Abisuhan rin ang iyong representative na magdala ng sariling valid ID.
Ganun lang kadali! Magbook na ng online appointment para masimulan na ang renewal process ng iyong passport!
Source: Filipiknow.net
Image Credit: jorono | Pixabay