ALAMIN: Paano magrenew ng passport habang nasa Qatar?
Posted by: AdminLD
Nov 19, 2019
Pa-expire na ba ang iyong passport pero hindi pa makapagbakasyon sa Pilipinas para makapag-renew? ‘Wag mag-alala maaaring magrenew ng passport habang nasa ibang bansa. Ngayo’y pag-usapan natin kung paano magrenew ng passport kung ika’y nasa Qatar.
Anu-ano ang requirements?
Saan pwedeng mag-renew ng passport?
Maaaring magrenew ng passport sa Embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar.
- Address: St. No. 860, Zone 68, Jelaiah Area, Doha.
- Contact information:+974 4493-0426 / 4498-6477 / dohape@yahoo.com
- Office hours: Sundays to Thursdays, 7 a.m. to 4 p.m. (no lunch breaks).
Paano mag-renew ng passport?
Step 1: Magpunta sa Embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar. Hindi kailangan ng appointment. Pwedeng dumiretso sa Passport Processing Area at maglog ng pangalan sa log in sheet.
Step 2: Hintayin na tawagin ang iyong pangalan at isumite ang mga dokumento para ma-verify. Siguraduhin kumpleto ang iyong requirements bago pa pumunta sa embahada ng Pilipinas.
Step 3: Pagkatapos i-verify ang iyong mga dokumento, magbayad ng passport fee (QAR 240) sa cashier.
Step 4: Matapos magbayad, magpunta sa Passport Encoding Area. Magpakuha ng ritrato at magpa-biometric capture. Matapos ang step na ito, tumungo sa releasing station. Sa releasing station, sasabihin kung kailan magiging available ang iyong passport.
Umaabot ng 30 hanggang 45 days ang processing ng passport sa Qatar.
TIP: I-check ang expiration date ng iyong passport. Dapat makapagprocess na ng passport 7.5 months bago ang expiration date.
Step 5: Tignan kung available na ang iyong passport sa website ng Embahada ng Pilipinas o kanilang Facebook page.
Step 6: Kapag pwede nang i-pick up ang iyong passport, magtungo sa Embahada ng Pilipinas. Siguraduhing dala ang iyong resibo at lumang passport para makuha ang bagong passport.
Maaari mong ipakuha sa isang representatibo ang iyong passport. Kinakailangan mong magbigay ng authorization letter kasama ng photocopy ng iyong valid ID para mairelease ang iyong passport.
Ganun lang kadali! ‘Di na kailangang magworry kung malapit nang mag-expire ang iyong passport.
Source: Filipiknow.net
Image Credit: 3D Animation Production Company | Pixabay