Posted by: AdminLD
Dec 01, 2019
Mage-expire na ba ang iyong passport? Hindi mo kailangang hintayin na makapagbakasyon sa Pilipinas bago mag-renew ng passport kung ika’y nasa Kuwait.
Mas mabuting marenew na ang iyong passport at maitransfer ito sa iyong Kuwait residence visa para hindi magbayad ng immigration fees.
Maaaring magrenew ng passport sa Embahada ng Pilipinas sa South Surra, Kuwait City.
Step 1: Magpunta sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait City. Hindi kailangan ng appointment para sa mag-renew. Pumili at magsubmit ng mga dokumento.
TIP: Siguraduhing pumunta sa embahada ng umaga dahil hanggang 12:30 p.m. lang ang pagproseso ng passport.
Step 2: Magbayad ng passport fee (KWD 19.50) sa cashier.
Step 3: Pagkatapos magbayad, magpakuha ng ritrato at magpa-biometric capture. Siguraduhing tama ang pagka-encode ng iyong impormasyon sa computer.
Step 4: I-claim ang iyong passport. Maaari mong pick up-in ang passport sa Embahada ng Pilipinas o kaya’y ipa-deliver ito sa iyong residence.
Umaabot nang 40 days ang pagproseso ng passport sa Kuwait.
TIP: I-check ang expiration date ng iyong passport. Dapat makapagprocess na ng passport 7.5 months bago ang expiration date.
Siguraduhing iproseso ang iyong passport bago ito mag-expire para hindi kinailangang magbayad ng immigration fees. Pagkakuha ng iyong passport, ipa-transfer ang iyong Kuwait residence visa agad para hindi magtamo ng penalties.
Source: Filipiknow.net
Image Credit: jacqueline macou | Pixabay