ALAMIN: Paano makakatulong sa mga may utang ang bagong Insolvency Law ng UAE?
Posted by: AdminLD
Dec 08, 2019
Mula Enero 2020, masasakop na sa panibagong Insolvency Law of Natural Persons ang mga may utang. Dahil rito, hindi na magiging kriminal ang kanilang liabilities at matutulungan gumawa ng panibagong resettlement payment scheme ang mga debtors.
Sa tulong ng Insolvency Law, maaaring ma-clear ang pangalan at records ng debtors sa tulong ng court-approved payment plan o pagbayad gamit ang mga assets. Pero, paano nga ba mag-avail nito?
Step 1: Kinakailangang magpa-register ng debtor sa local court kung saan siya nakatira sa loob ng UAE.
Eligible ang mga debtors na possible maka-miss ng darating na payment schedule o naka-miss na ng payment sa loob ng 40 na araw.
Step 2: Magnominate ng expert na tutulong sa proceedings.
Ang expert ang siyang mag-aassist sa mga meetings sa pagitan ng creditors at debtors. Siya ang gagawa ng plano na makakatulong sa repayment plan.
Step 3: Mag-submit ng mga dokumento na required para sa court proceedings.
Kinakailangang magbigay ng deskripsyon ukol sa pinansyal na estado ng debtor. Ito ang mga kailangang dokumento:
- Sources of income
- Employment status
- Listahan ng mga creditors (kasama ang mga pangalan at addresses)
- Detalyadong listahan ng mga assets (sa loob at labas ng bansa)
- Listahan ng mga benepisyaryo
- Listahan ng financial transfers sa labas ng UAE
Step 4: Hintayin ang desisyon tungkol sa iyong aplikasyon.
Kinakailangan nang limang working days para maproseso ng korte ang iyong aplikasyon. Maaaring tanggihan ng korte ang aplikasyon kung may mali sa mga dokumentong ipinasa o di kaya’y hindi nakapagbayad ng higit 40 na araw.
Makipagtulungan sa na-nominate na experts at sa advice ng inyong local courts para tuluyang makapagbayad na ng mga utang. Sa tulong ng Insolvency Law, maaari nang manatili ang mga OFWs sa pagtratrabaho sa UAE at makapagbayad nang hindi naba-bankrupt.
Image Credit: Clker-Free-Vector-Images | Pixabay