Posted by: AdminLD
Dec 26, 2019
Kamakailan lang inilunsad ang website para sa pag-apply ng Golden Visa para sa bansang United Arab Emirates (UAE). Makakamit ang 5-year at 10-year residency para sa mga na-aprubhan na aplikante. Higit pa, extended para sa mga kapamilya na ispo-sponsor ng mga aprubado.
Nang ilunsad ang Golden Visa noong Mayo ngayong taon, libo na ang nag-apply. Inaasahang magre-release ng 6,800 Golden Visa bago matapos ang taon.
Magandang opportunidad ito sa mga gustong manirahan ng matagal sa UAE. Kasalukuyang hindi namimigay ng permanent residency sa UAE.
Layunin ng UAE na makahikayat ng mga negosyante at mga propesyunal na manirahan sa bansa. Kung kaya’t priority ng Federal Authority for Identity and Citizenship ang mga investors, entrepreneurs, chief executives, scientists at outstanding students.
Maaaring mag-apply ang mga kasalukuyang nagtratrabaho at may sweldo na ‘di bababa sa 30,000 AED. Kinakailangan rin ng at least limang taon ng work experience para sa mga mag-aapply na propesyunal.
Dagdag pa rito, may ilang mga requirements para sa pag-apply.
Kung ika’y nakakatupad sa isa o higit pa na criteria:
Kinakailangan ring natutupad mo ang LAHAT ng criteria na ito:
Requirements para sa mga indibidwal na manggagawa:
Mas pinadali na ang pag-apply para sa Golden Visa gamit ang website na https://business.goldenvisa.ae/. Sundin ang website prompts at ihanda ang mga dokumento na hihingin para mapagpatunay ng iyong eligibility. Kung ika’y magspo-sponsor ng mga kapamilya, ihanda rin ang kanilang dokumento.
Image Credit: BilliTheCat Pixabay