Saudi Arabia magbibigay ng free visas sa mga UAE, Kuwait, at Bahrain expats para makapunta sa mga festivals at concerts na gaganapin dito!
Posted by: AdminLD
Jan 02, 2020
Image Credit: Ronel LubianoMagbibigay ng free visas ang Saudi Arabia para sa mga residente ng United Arab Emirates, Kuwait, at Bahrain para makapunta sa festivals gaya ng Riyadh Season at Tantora Festival. Mabibigyan ng three-day visas ang mga residenteng ito para maka-attend ng mga events sa Kingdom of Saudi Arabia.
Maaaring kumuha ng visa online o di kaya’y pagdating sa bansa. Maaari ring bumisita ang mga UAE, Kuwait, at Bahrain residents nang ilang beses sa isang taon. Bawat bisita ay may 90-day limit. Libre ang mga visa na ito at makakatipid ng 440 SAR (430.83 AED, 35.55 KWD, at 44.24 BHD) na siyang cost ng isang tourist visa.
Tinatayang magkakaroon ng 10% na dagdag sa mga bisita ang Saudi Arabia at inaasahang mas titibay ang turismo nito. Dagdag pa ang panibagong visa perks na ito sa UAE-Saudi Arabia joint visa na ilulunsad sa 2020.