Naglabas si His Highness Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum ng sampung guidelines para sa paggamit ng social media sa mga nakatira sa United Arab Emirates (UAE). Inihayag ang mga ito sa isang open letter para sa mga Emiratis at sa mga kasalukuyang naninirahan sa bansa ngayon.
Aniya ang mga Emiratis at ang mga residente nito ang kumakatawan kay Sheikh Mohammed. Sa pangkalahatan, ang Sheikh Mohammed naman ang kumakatawan sa UAE sa harap ng buong mundo. Anumang personalidad ang pinapakita ng mga nasa UAE sa kanilang social media ay nagrereflect sa Sheikh at sa buong mundo.
“We want Emiratis who help others by sharing information, ideas, social and human initiatives that are widespread in the country,” dagdag ni Sheikh Mohammed sa kanyang open letter.
Ang mga guidelines na ito ay nagnanais na siguraduhing hindi magiging masama or marumi ang reputasyon ng bansa sa mga social media sites. Ayon sa Sheikh, “Neglect and chaos over social media platforms impact the achievements that thousands of work teams have dedicated their greatest efforts to build. The reputation of the UAE is not for public use by those who seek more followers.”
Sumusunod ang mga guidelines kung ano ang attitude ng mga tao tuwing gagamit ng social media:
Ang open letter ni Sheikh Mohammed ay naging sagot sa isang tanong ukol sa social media conduct noong Setyembre.