ALAMIN: Paano makakuha ng Special Power of Attorney?
Posted by: AdminMH
Oct 18, 2019
May property ka bang nais ibenta o legal na dokumentong kailangang ayusin sa Pilipinas? Paano nga ba maiaayos ang mga ito kung nasa ibang bansa?
Huwag mag-alala, maaari magpa-representa sa iyong kapamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng Special Power of Attorney o SPA. Ang SPA ay isa legal na dokumento na nagpapangalan ng representatibo para sa indibidwal o tinatawag na principal. Ang iyong representatibo ay maaaring pumirma ng mga kontrato o gumawa ng mga legal na desisyo para sayo.
Tanging mga kapamilya lamang ang pwedeng maging representatibo ng isang indibidwal. Maaari mong piliin ang iyong asawa, anak, magulang, lolo’t lola.
Para saan ang SPA?
Nagagamit ang SPA para sa mga sumusunod na gawain:
- Mag-file ng tax return
- Mag-claim ng benepisyo mula sa gobyerno
- Pag-maintain ng mga business assets o interests
- Pag-manage ng bank accounts, cash, o di kaya’y safety deposit boxes.
- Pagbenta, pagpaparenta, o pagmamanage ng mga assets at properties
- Pagsettle ng mga claims
- Pagpirma ng mga kontrata
- Pagplano ng mga regalong pinansyal o estate gifts
- Pagtanggap ng bank loan.
- Pagsumite at pagtanggap ng NBI clearance
- Pag-apply, renew, at pag-claim ng professional licenses
- Pag-apply at pag-claim ng driver’s license
- Pag-request ng birth certificate at marriage certificate mula sa PSA
- Pagtanggap ng birth certificate at marriage certificate mula sa PSA
Paano makakakuha ng SPA ang mga nasa ibang bansa?
May tinatawag na Consularized SPA, kung saan ang isang OFW ay maaaring pumirma sa harap ng dalawang witness para ipagpatunay na ina-assign niya ang isang kapamilya na maging representatibo.
May mga requirements na kailangang ihanda bago mag-avail ng Consularized SPA. Siguraduhing kumpleto at maayos ang mga dokumento na ito, bago pumunta sa Embahada ng Pilipinas.
- Photocopy ng una at huling pahina ng inyong Philippine passport
- Valid Philippine-issued government ID
- Personal appearance sa Embahada ng Pilipinas
- Dalawang witnesses (dapat nasa legal na edad at sasama sa’yo patungo sa Embahada ng Pilipinas kapag inavail na ang Consularized SPA)
- Valid IDs ng mga witnesses
- Notarial fee (ang halaga ay nakadepende sa bansang kinaroroonan)
Madali lang makakuha ng Consularized SPA. Tignan ang mga hakbang na ito:
Step 1: Pakiusapan ang iyong representatibo na kumpletuhin ang SPA form template. Maaari itong madownload sa Filipiknow.net. Kinakailangang ipa-notaryo ng inyong representatibo ang SPA form.
Step 2: Pagkatapos makumpleto at mapanotaryo ang SPA form, dapat itong ipadala sa iyong address sa ibang bansa.
Step 3: Pumunta sa Embahada ng Pilipinas sa bansa na iyong kinaroroonan. Magsama ng dalawang witness.
Step 4: Iprisenta ang mga SPA form at ang mga required documents.
Step 5: Kung walang problema ang mga naipresentang dokumento, magbayad ng consularization at courier fee. Ang consularization fee ay maaaring pumatak mula P1,500 hanggang P3,000. Matapos i-proseso ng embahada ng Pilipinas ang mga dokumento, ipapadala nila ito sa iyong address sa bansa na iyong kinaroroonan.
Step 6: Pagkatanggap ng mga dokumento, maaari mo na itong ipadala sa inyong pamilya pabalik ng Pilipinas.
Pagkatanggap ng iyong representatibo ng Consularized SPA, maaari na niya itong gamitin. Maaaring ipawalang bisa ang Consularized SPA sa pamamagitan ng paggawa at pagpapanotaryo ng bagong dokumentong tinatawag na ‘Revocation of Special Power of Attorney.’
Source: Filipiknow.net
Image Credit: Helloquence on Unsplash