ALAMIN: Paano magparehistro para bumoto sa May 2022 Presidential Elections?
Posted by: AdminLD
Dec 13, 2019
Kamakailan lang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nag-deactivate nang halos 578,185 overseas voters ang Commission on Elections (COMELEC). Lahat ng mga na-deactivate ay mga registered voters na hindi nakaboto noong nakaraang 2016 at 2019 National at Local Elections.
Hinihikayat ng DFA at COMELEC na muling magparehistro ang mga na-deactivate mula Disyembre 16, 2019 hanggang Setyembre 30, 2021 para makalahok sa May 2022 Presidential Elections. Maaaring pumunta sa mga sumusunod na lokasyon para magparehistro:
- Any Philippine Embassy, Consulate General, Mission, or Manila Economic and Cultural Office (MECO)
- Overseas Voter Registration Centers designated by COMELEC
Paano nga ba magparehistro?
Step 1: Ayusin ang mga required documents na isusumite para sa registration.
Anu-ano ang mga required na dokumento?
- Accomplished Overseas Voters Form No. 1
- Philippine Passport
- Photocopy ng Seaman’s Book (para sa mga seaman)
- Valid ID (para sa mga dual-citizens)
- Birth Certification (para sa mga dual-citizens)
Step 2: Pumunta sa mga valid voter registration locations gaya ng Embahada ng Pilipinas, Consulado, Mission, Manila Economic and Cultural Office (MECO), o sa mga field offices o “Akyat-Barko” ng mga COMELEC.
Step 3: Isumite ang mga required documents.
Step 4: Magpa-capture ng biometrics.
Step 5: I-check sa website ng COMELEC (www.comelec.gov.ph) o DFA-OVS (www.dfa-oavs.gov.ph) kung approved ang iyong registration. Maaari mo ring i-check ang Emabahada or Consulado kung saan ka nagparehistro.
Ganun lang kadali! Siguraduhing magparehistro na bago mag Setyembre 30, 2021 para makaboto sa Mayo 2022. Karangalan at responsibilidad ng bawat Filipino ang bumoto para sa bayan.
Source: Department of Foreign Affairs – Overseas Voting Secretariat
Image Credit: Kurious | Pixabay