ALAMIN: Paano mag-rehistro sa My PhilHealth Portal?
Posted by: AdminLD
Jan 14, 2020
May PhilHealth ka na ba?
Ang PhilHealth ay government-mandated health insurance para sa mga Filipino. Parehong makakakuha ng health insurance benefits ang miyembro at kanyang mga dependents. Magagamit ang PhilHealth para sa mga sumusunod:
- In-patient and out-patient procedures
- Financial aid para sa mga may severe diseases gaya ng cancer (leukemia, breast cancer, prostate cancer, colon cancer, etc.), children’s disabilities (developmental, visual, hearing, or mobility), premature at small newborns, at iba pang serious medical conditions
- Benepisyo para sa may sakit na nakapaloob sa PhilHealth’s Sustainable Development Goals (SDG)-related gaya ng malaria, HIV-AIDS, tuberculosis, at kagat ng mga hayop
- Maternity benefits
- Mental health services
Para sa mga OFWs, ni-rerequire na magrehistro at magbayad ng PhilHealth bago makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) at makaalis ng bansa. Pero alam mo bang pwedeng maaccess ang iyong PhilHealth records online?
Sino ang pwedeng magrehistro sa My PhilHealth Portal?
Lahat nang miyembro at dependent na may PhilHealth ID number ay maaaring magrehistro at makagamit ng My PhilHealth Portal.
Paano magrehistro para sa My PhilHealth Portal?
Step 1: Siguraduhing handa ang iyong PhilHealth ID number. Magpunta sa https://www.philhealth.gov.ph/services/ at i-click ang Register/Login sa ilalim ng “Member Inquiry.”
Step 2: I-click ang Register sa ilalim ng Login button para maka-rehistro.
Step 3: Fill in ang mga hinihinging impormasyon gaya ng PhilHealth ID number, pangalan, birthday, at email address. Hihingi rin nang tatlong security question at answer ang form. I-click ang Submit Registration button pagkatapos.
TIP: Siguraduhing ang itatakdang security question at answer ay iyong matatandaan. Kinakailangan ang mga security answer na ito sa tuwing maglo-login sa My Philhealth Portal.
Step 4: Magpapadala ng email ang PhilHealth sa email address na iyong nirehistro. Buksan ang email na ito at i-activate ang iyong registration sa pamamagitan ng pagclick sa link na nakalagay sa email. Kasama sa email ang PIN at password na ia-assign ng PhilHealth para sayo.
TIP: Tignan ang inyong SPAM Folder kung hindi makita ang email ng PhilHealth agad-agad.
Step 5: Matapos ma-activate ang email, mag-login gamit ang PIN at password na pinadala sa email. Bago tuluyang ma-access ang iyong account, magpro-prompt ang isa sa mga security questions. Sagutin ito ng tama at maa-access mo na ang iyong account.
Step 6: Palitan ang iyong password.
Ganun lang kadali! Sa pamamagitan ng My PhilHealth Portal, maaari mo nang makita ang iyong mga Premium Contributions at mag-print ng Member’s Data Record (MDR). Isa sa mga requirements sa hospital ang MDR tuwing may procedure na gagawin. Madali mo nang mapri-print at di na kakailanganing pumila sa PhilHealth para makuha ito!
Image Credit: Joint Learning Network for Universal Health Coverage | Flickr.com | CC BY 2.0
Screenshots Credit: My Philhealth Portal, https://www.philhealth.gov.ph/services/