ALAMIN: Paano magrenew ng Philippine passport sa UAE?
Posted by: AdminLD
Dec 12, 2019
Alam mo bang madali lang magrenew ng Philippine passport kahit ika’y nasa United Arab Emirates (UAE)? Hindi na kailangang paikliin pa ang iyong susunod na bakasyon sa Pilipinas para lang magrenew ng inyong passport.
Maaaring magrenew ng passport sa Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi at sa Philippine Consulate sa Dubai.
Anu-ano ang requirements?
- Printed email confirmation of your online appointment with a QR code.
- Nakumpletong passport application form:
- Original passport
- Photocopy ng passport data page (one copy for application in Abu Dhabi / two copies for application in Dubai).
Saan pwedeng mag-renew ng passport?
Maaaring magrenew ng passport sa dalawang lokasyon sa UAE.
1. Embahada ng Pilipinas sa Al Qubaisat, Abu Dhabi
- Address: W-48, Street No. 8, Sector 2-23, Plot 51, Al Qubaisat, Abu Dhabi
- Contact information:+971 2 639 0006
- Email address: auhpe@philembassy.ae
- Office days: Sundays to Thursdays, 8 a.m. to 5 p.m.
- Consular jurisdiction: Abu Dhabi
2. Philippine Consulate sa Al Qusais 3, Dubai
- Address: Villa 234-851, Beirut St., Al Qusais 3, Dubai
- Contact information: +971 4 2207100 local 111 (for passport processing) or local 106 (for passport releasing)
- Email address: epassportcoord@pcgdubai.ae / passport.inquiries@pcgdubai.ae
- Office days: Sundays to Thursdays
- Processing hours: 8 a.m. to 3:30 p.m.
- Releasing hours: 8 a.m. to 12 p.m. | 1 p.m. to 5 p.m.
- Consular jurisdiction:
-
- Dubai
- Sharjah
- Ajman
- Umm Al Quwain
- Ras Al Khaimah
- Fujairah
TIP: Madalas ring nagfa-facilitate ang Philippine Consulate ng mga special outreach mission kung saan pwedeng magrenew ng passport. Maaaring tignan ang Announcements and Notices ng Philippine Consulate, Dubai para malaman kung kailan at saan ito gaganapin.
Paano mag-renew ng passport?
Step 1: Magschedule ng passport appointment sa appointment portal ng Embahada ng Pilipinas, Abu Dhabi at sa Philippine Consulate, Dubai. Para sa mga first-time users, kailangan munang magregister gamit ang personal email address. Matapos magbook, makakuha ka ng email confirmation. Kailangan ito dahil hindi tinatanggap ang mga walk-in applicants.
Binibigyang prayoridad ng Consulate ang mga urgent cases gaya ng “death in the family.” Mag-apply para sa urgent passport renewal sa website. Kinakailangang magsubmit ng pruweba para sa travel urgency. Kung nakapagbook na nang regular appointment noon, kinakailangan rin itong i-cancel.
Maaaring pumila sa Courtesy Lane ang mga exempted sa passport appointment ang mga sumusunod:
- Children 12 years old and below
- Senior citizens 60 years old and above
- Young persons with disabilities
- Young people with special needs
- Visibly pregnant women or with a medical certificate
- Seafarers (renewals in Consulate in Dubai only)
- Household service workers or kasambahays (renewals in Consulate in Dubai only)
Step 2: Pumunta sa Embahada o sa Consulate sa nakatakdang schedule sa iyong reserved appointment. Mas mabuti kung makakarating sa Embahada o sa Consulate nang maaga (15 minutes bago ang iyong schedule). Kung ika’y nag-aapply sa Abu Dhabi, kinakailangang kumuha ng queue number sa Information Center pagkarating sa Embahada.
Step 3: I-submit ang mga dokumento sa Embahada o sa Consulate.
- Abu Dhabi: Pagkatapos tawagin ang iyong queue number, ibibigay ang iyong required documents sa processor para macheck kung ito’y kumpleto.
- Dubai: isumite ang iyong passport sa box na naka-label nang appointment time at hintayin na tawagin ang iyong pangalan. Kapag tinawag, ibigay ang iyong mga dokumento sa processor para icheck kung ito’y kumpleto.
Step 4: Magbayad ng passport processing fee (AED 240).
Step 5: Magpakuha ng iyong photo at biometrics.
Step 6: Hintayin ang announcement kung maaari nang i-claim ang inyong passport. Ang processing time ay aabot ng walo hanggang labing dalawang linggo bago i-claim ang iyong passport. Maaari mong makita kung available na ang iyong passport sa website Embahada sa Abu Dhabi o Consulate sa Dubai.
Step 7: I-claim ang iyong passport. Siguraduhing dala mo ang official receipt para ma-claim ang iyong passport.
- Pumunta sa Passport Releasing Section.
- Ilagay ang iyong claim stub sa tray o box. Hintayin na tawagin ang iyong pangalan.
- Ipakita ang iyong old passport at ang official receipt.
- Dubai: Magpunta sa Mabini Hall C, C3 Releasing Section at ipakita ang iyong old passport at official receipt.
Maaaring ipa-claim ang iyong passport sa isang representative na may authorization letter, old passport, at official receipt. Paalala: sa mga passport na ike-claim sa Embahada sa Abu Dhabi, tanging immediate family member lang ang pwedeng kumuha ng iyong passport.
Source: Filipiknow.net
Image Credit: Philippine Department of Foreign Affairs| Wikimedia Commons