Listahan ng mga brands ng bakuna para makapasok sa ilang EU at Middle East countries
Para sa ibang European at Middle Eastern countries, kinakailangan ng mga incoming travelers na magpakita ng pruweba na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID
EMEA Admin | August 14, 2021
Photo by Mika Baumeister on Unsplash
Para sa ibang European at Middle Eastern countries, kinakailangan ng mga incoming travelers na magpakita ng pruweba na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID. Bukod pa rito, may tukoy na brands lang din na tinatanggap para makapasok sa ilang mga bansa.
Heto ang listahan ng mga recognized vaccines ng ilang EU at ME countries na nagdeklara na ng kanilang mga polisiya tungkol sa vaccines.
MIDDLE EAST
Saudi Arabia
Ayon sa Philippine Airlines at Saudia Airlines, tatanggapin ng Kingdom of Saudi Arabia ang mga travelers na naturukan ng mga sumusunod na bakuna:
-
AstraZeneca
-
Pfizer-BioNTech
-
Moderna
-
Johnson & Johnson
Maaari pa ring makapasok ang mga naturukan ng Sinovac, pero kinakailangan munang sumailalim sa quarantine, ani Labor Secretary Silvestre Bello III.
Qatar
Ayon sa PH embassy sa Doha, makakapasok sa Qatar ang inbound travelers na naturukan ng mga sumusunod na vaccine brands:
Ang mga bakunado ng ibang brands ay maaari pa ring makapasok pagkatapos ng 10-day quarantine at RT-PCR test.
Kuwait
Ang mga non-Kuwaitis na may valid residency permit at nabakunahan na ng mga sumusunod na brands ang pwedeng pumasok sa bansa:
-
AstraZeneca
-
Pfizer-BioNTech
-
Moderna
-
Johnson & Johnson
EUROPE
Ayon sa European Union Delegation to Malaysia lahat ng travelers na nabakunahan na ng World Health Organization-approved vaccines ay maaaring makapasok sa Europe.
-
AstraZeneca
-
Pfizer-BioNTech
-
Moderna
-
Johnson & Johnson
-
Serum Institute of India
-
Sinovac
-
Sinopharm