DonBelle, may kasunod na project after "Can't Buy Me Love"? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Showbiz

DonBelle, may kasunod na project after "Can't Buy Me Love"?

DonBelle, may kasunod na project after "Can't Buy Me Love"?

TFC News

Clipboard

LONDON - Isa sa mga hinahangaang star of the new generation  ang Kapamilyang si Belle Mariano. Nakapanayam ni  ABS-CBN News EMEA (Europe Middle East Africa) Bureau Chief Rose Eclarinal si  Belle matapos ang idinaos na  Barrio Fiesta sa London noong July 21. 

Kuwento niya, bata pa lang sumabak na siya sa showbiz at isa sa mga original Going Bulilit kids. Kaya nga naging nostalgic si Belle nang mag-guest kamakailan sa resurrected kids gag show ng ABS-CBN. 

"I went to their studio and it felt like I was a Going Bulilit again. I'm so proud of Going Bulilit," masayang pagbabahagi ni Belle. 



Noon pa man, alam na ni Belle sa kanyang sarili na showbiz talaga ang kanyang magiging future. "Pabibo kid", yan ang description niya sa sarili. 

"I can't imagine myself doing anything else. I used to be that kid who's like going to perform for the titas, alam  mo na tuwing Pasko, bibigyan ka ng 50 pesos if you sing a song. I used to be the pabibo kid, and I found joy because I made them laugh," sabi niya. 

At kahit pa batambata pa lang, artista na, hindi nagsisisi si Belle dahil hindi naman inagaw ng showbiz sa kanya ang pagkabata. 

"I would say I was living the best of both worlds. Ever since it has always been a dream of mine to enter the showbiz industry, but at the same time, I was also the kid who plays patintero, all those things.And I wouldn't change anything about my childhood," kuwento ni Belle. 

Bukod sa pag-arte, busy rin si Belle sa kanyang singing career. Sa idinaos na Barrio Fiesta sa London, may lima siyang kanta.  Hindi panapat sa kanyang katatapos na “Belive” concert sa Manila na may 20 kanta siya. Lahat daw ng ito, alay niya sa kanyang lolo na siyang naging instrumento niya para mahilig sa musika. 

"Growing up, I used to be that kid who sings karaoke with my lolo. When I was around five  or six  (years old).And if I can make my lolo smile by singing to him the karaoke at home, what more if I can have the opportunity to perform on stage and share music with other people." 



Ang kanyang  katatapos na “Believe” concert ay bilang pasasalamat na rin sa mga taong sumusuporta sa kanyang career. 

"People know me for acting and this time I just wanted to share music with them. That I'm not only Belle on-screen, but also I'm Belle the performer on stage," sabi ni Belle. 

May mensahe rin siyang gustong iparating sa kanyang fans sa napili niyang title ng  concert na Believe. 

"I hope once they watch the concert, or whoever watched the concert, I hope it makes them believe in themselves." 

Ilang roles na ring ginawa ni Belle ang nagmarka, gaya ng sa prequel ng pelikulang “Four Sisters And a Wedding” na “”Four Sister Before The Wedding," kung saan, ginampanan niya ang role ng batang si Gabbie Salazar na naman ni Shaina Magdayao ang gumanap sa naunang pelikula. 

Pero mas tumatak si Belle sa fans at sa mga kapamilya nang itambal siya sa young heartthrob na si Donny Pangilinan, kung saan nabuo ang love team na DonBelle. Huli nilang pinagsamahan ang hit primetime series na “Can't Buy Me Love.” 

Kaya ang tanong, ano na  ang kasunod? 

"We also have plans, but I can't say much," pabiting pahayag ni Belle. 

Nagkasama ngayon ang DonBelle sa L.A. nitong Sabado, August 3,  para sa pagtatanghal ng ASAP Natin ‘To, na bahagi ng ika-30 anibersaryo ng TFC. 

Para sa iba pang revelations ni Belle Mariano, panoorin ang buong interview ni Rose Eclarinal kay Belle Mariano, sa TFC Conversations. 


                                                                                                                          (I-click ang link sa ibaba)




Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.