Ang kauna-unahang millennial saint: Iyan ang posibleng maging titulo ng dating computer genius na si Carlo Acutis, na pumanaw sa edad na 15 taong gulang noong 2006. Na-beatify o na-deklara bilang pinagpala ng simbahang Katolika si Acutis nitong nakaraang linggo matapos maiulat ang milagrosong paggaling ng isang batang may sakit sa pancreas noong Pebrero ng kasalukuyang taon. Ayon sa report, idineklara itong milagro ni Pope Francis nang gumaling ang bata matapos madikitan ng isa sa mga lumang damit ni Acutis.
Ayon sa ina ni Carlo Acutis na si Antonia Acutis, simula pa lamang noong siyam na taong gulang pa lamang ang kaniyang anak ay naging hilig na nito ang pag-aaral ng computer science. Siya mismo ang nagturo sa kaniyang sarili na mag-program at mag-develop ng mga websites, ganyon na rin ang pagdedesign ng graphics. Sa katunayan, nakagawa si Carlo ng isang website, ang Miracoli Eucaristi.org (http://www.miracolieucaristici.org/) sa mga huling buwan ng kaniyang buhay. Dito nakatala ang mga himala na naiulat ng simbahang Katolika.
Ginawa ni Carlo Acutis ang website na ito sa mga huling buwan ng kaniyang buhay
Isa sa mga pahina ng website na "Miracoli Eucaristi" kung saan nakatala ang mga himala
“Carlo was the light answer to the dark side of the web,” anang ina ni Acutis. Dagdag pa niya, tinatawag rin ng mga admirers ng kaniyang anak sa internet si Acutis bilang “influencer for God.”
Para sa pamilya ni Acutis, nagsilbing patunay ang buhay ng kanilang anak na maaaring gamitin sa mabuti ang mga teknolohiya katulad ng internet, upang magpakalat ng kabutihan at magandang balita.
Ginanap sa Assisi, Italy, ang beatification ni Carlo, at ito ang second-to-last step bago siya ganap na icanonize o kilalanin bilang santo.