
Isa ka mang first-time mom o nagawa mo na ito nang ilang beses, ang panganganak ay isa sa mga pinaka stressful pero isa rin sa pinaka rewarding na karanasan. At ang pagkakaroon ng mahusay na medical team ay nakakapagbigay sayo ng peace of mind na kailangan mo para sa maayos na pagbubuntis at panganganak.
Kaya ang APHCV ay nakatuon sa pagbibigay ng best care para sa mga pregnant patients and babies sa pamamagitan ng mga sumusunod na serbisyo:
- Programang Mga Komprehensibong Perinatal na Serbisyo (Comprehensive Perinatal Services Program o CPSP)
Ang CPSP ay nag-ooffer ng maraming enhanced services sa mga Medi-Cal eligible pregnant patients sa larangan ng nutrisyon, psychosocial, at health edukasyon mula sa paglilihi hanggang sa postpartum care. Napatunayang pinapabuti ng CPSP ang mga resulta ng panganganak, kabilang ang pagbawas ng mga insidente ng low birth weight sa mga sanggol.
-
Pagsusuri sa HIV (HIV Testing)
Sa California, inirerekomenda ang HIV test para sa lahat ng babaeng buntis, dahil ang treatment during pregnancy ay maaaring makaiwas sa sanggol na magkaroon ng HIV infection. Ang pasyente ang magpapasya kung magpapasuri man o hindi, pero ang MCH Unit staff at ang OB providers ay makakapagbigay ng karagdagang impormasyon bago magpasuri at masasagot nila ang anumang tanong ng pasyente.
-
Mga Babae, Sanggol, at Bata (Women, Infants and Children o WIC)
Mahalagang magkaroon ng maayos na nutrisyon habang nagbubuntis hanggang sa pagkatapos manganak. Nagbibigay ang WIC ng mga vouchers for food and groceries para sa mga babaeng buntis na nagpapasuso, at mga batang hanggang 5 taong gulang. Ang MCH Unit staff ay makakatulong sa mga pasyente sa pag-aapply para sa WIC.
-
Pamamahagi ng pagkain (Food distribution)
Namamahagi rin ang APHCV ng pagkain bawat linggo bilang parte ng Calfresh Program. Ang MCH Unit staff ay makakapagbigay ng personalized distribution schedules para matugunan ang anumang kawalan ng seguridad sa pagkain sa mga buntis na pasyente at ina.
- Pansamantalang Pagiging Kwalipikado para sa Mga Babaeng Buntis at Mga Serbisyo sa Pagpapatala sa Medi-Cal (Presumptive Eligibility for Pregnant Women and Medi-Cal Enrollment Services)
Tumutulong ang APHCV sa pagpapatala ng mga pasyenteng buntis sa Pansamantalang Pagiging Kwalipikado para sa Mga Babaeng Buntis (Presumptive Eligibility for Pregnant Women o PE4PW), isang immediate at temporary na health care coverage para sa low-income women na nagbubuntis. Ang PE4PW covers most doctor, clinic, at emergency room visits pero hindi ang labor at delivery. Kailangang mag-apply ang mga buntis na pasyente sa Medi-Cal benefits to cover for labor at delivery. Ang APHCV ay may Enrollment Unit para tumutulong sa pag-apply ng health insurance coverage kabilang ang Medi-Cal.
Dagdag pa sa mga serbisyong nabanggit sa itaas, kabilang sa mga ekspertong tauhan ng APHCV ang pinakamahuhusay na provider ng OB pati na rin ang mga tauhan sa Maternal and Child Health Unit.
Si Dr. Sarah Beaty, DO from Vituity Family Medicine Center, ay isang espesyalista sa Kalusugan ng Kababaihan, kabilang ang low risk prenatal and post-partum care, minimally invasive gynecologic procedures, contraception management, at may espesyal na interes sa gamot sa pagpapasuso.
Si Dr. Jamie Lin, OB/GYN mula sa Pacifica Health Foundation, na fluent sa Mandarin Chinese at nakakapagsalita ng Spanish, provides care for women during pregnancy at nag-ooffer ng infertility services and consultations para sa mga nais magbuntis. Nagda-diagnose at naggagamot din siya ng maraming gynecological conditions, kabilang ang pelvic pain, ovarian cysts, fibroids, polycystic ovary syndrome (PCOS), and endometriosis, bukod pa sa pag-aalok ng screening sa cervical cancer, mga konsultasyon sa pagkontrol sa pagbubuntis, at pagkontrol ng menopause.
Ang aming Maternal and Child Health Unit ay staffed with trained CPSP providers kabilang si Destiny Reynoso na nagsasalita ng Spanish, Kultida Arakul na nagsasalita ng Thai, Maslina Khatun na nagsasalita ng Bengali at si Sandra Gonzalez na nagsasalita ng Thai, na hindi lang nagbibigay ng valuable resources to pregnant women and mothers in the area of housing, food, financial at legal na concerns, pero makakatulong din sila sa pag assist in enrolling women in Pansamantalang Pagiging Kwalipikado para sa Mga Babaeng Buntis (PE4PW) to cover for medical care para sa kanilang pagbubuntis.
Ang MCH Unit team also works with Marjorie Tan, CPSP MA, na nag-aassist sa mga Obstetric, Family Practice at Pediatric providers sa APHCV – Los Feliz Health Center. Ang MCH Unit ay sumusuporta rin sa mga postpartum mothers sa pag-schedule ng kanilang newborn babies sa mga pediatrician, pati na rin sa kanilang mga OB providers para sa postpartum care at mga women’s wellness exams kung kinakailangan.
Dagdag pa rito, the MCH Unit works closely sa mga Lisensyadong Klinikal na Social Worker (Licensed Clinical Social Workers o LCSWs) at Mga Rehistradong Dietitian (Registered Dietitians o RD) para suportahan ang mga buntis na patients and mothers with mental or emotional concerns, depression or domestic abuse. It also works sa mga pasyenteng buntis at postpartum patients na kailangan ng suporta para sa kanilang nutritional intake para ma address ang gestational diabetes, anemia o even weight gain o weight loss.
Ang iba't ibang obstetrics services ng APHCV provide you with the most caring prenatal, birth, at post-delivery experience sa bawat hakbang para matulungan kang salubungin ang pagdating ng iyong munting sanggol! For more information, bisitahin ang
aphcv.org.