Nagtapos na ang ikatlong lockdown sa France noong May 3, 2021. Alinsunod rito, wala nang kailangang certificate para sa daytime travel, at inalis na rin ang restriksyon para sa inter-regional travel.
Balik-eskwela na rin sa colleges at universities, pero work-from-home pa rin ang mga employees. Nananatili pa ring nakasara ang non-essential businesses sa kasalukuyan, at may curfew mula 7PM hanggang 6AM.
Heto naman ang mga naka-iskedyul na pagluluwag ng restriksyon sa mga darating na araw:
May 19, 2021
- Magbubukas na ang mga shops, restaurant terraces, museums, monuments, performance halls (seating capacity 800 indoors/1000 outdoors), sports facilities
- Curfew: 9PM to 6AM
June 9, 2021
- Magbubukas na ang restaurants, cafe bars, trade shows, at exhibition fairs
- Makakapasok na ang tourists na may sanitary pass
June 30, 2021
- Aalisin na ang curfew; Kailangan pa ring sundin ang social distancing, barrier gestures, at health protocols