Mula sa Ulat ni Rose Eclarinal
Aminado sina Health Secretary Matt Hancock at Prime Minister Boris Johnson na maaaring maantala ang nakatakdang muling pagbubukas ng UK sa darating na June 21. Ang plano sana, patuloy nang luluwagan ang mga restriksyon sa gitna ng pagbaba ng mga kaso ng COVID at pagtaas ng porsyento ng mga nabakunahan. Kaya lang, kailangang pag-aralan ang sitwasyon dahil nakapasok na rin sa bansa ang Indian o Delta variant, na 40% na mas nakahahawa kaysa sa Kent strain ng UK.
Sa kasalukuyan, mahigit 10,000 katao ang may Indian variant ng COVID-19 sa England, mahigit 1,000 sa Scotland, 97 sa Wales, at 26 sa Northern Ireland.