Suspendido pa rin ang deployment ng mga OFWs pa-Israel. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas marapat na hintayin muna ang kasiguraduhan mula sa Israel government na mapapanatiling ligtas ang mga OFWs. Ito ay sa kabila ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas matapos ang 11 ng digmaan.
Inilabas ni Bello ang naturang statement matapos umapela ang Israeli government sa Pilipinas na tanggalin na ang deployment ban dahil nangangailangan umano ang Israel ng 5,000 health at hotel workers. May 20 idineklara ng DOLE ang deployment ban papuntang Israel.
“The moment our OFWs are safe, I will immediately issue the order deploying them and they are very much needed,” ani Bello.
Image Credit: DAVID BUIMOVITCH/AFP/Getty Images