KAPAMILYA NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
  • Home
  • Kapamilya News

COVID-19 Updates sa Europa | EUROPE

Mula sa Ulat nina Rose Eclarinal, Jofelle Tesorio, Cory de Jesus, at Maricel Burgonio | June 08, 2021
  • SHARE:

UK

Inaasahang mas gaganda pa ang ekonomiya ng UK sa lubos na pagluluwag ng COVID-19 restrictions sa darating na June 21. Taya ng OECD, nasa 7.2% ang itataas ng ekonomiya kung magpapatuloy ang magandang performance nito dahil sa muling pagbubukas ng mga businesses. Mas mataas ang projection na ito kumpara sa forecast nila noong Marso na nasa 5.1% lamang.

Gayunpaman, nagbabala ang eksperto na si Professor Ravi Gupta ng University of Cambridge, hindi pa raw dapat na lubusang alisin ang lockdown sa darating na June 21. Aniya, nakikita niya ang early stages ng third wave ng COVID sa bansa, lalo na’t hindi mapigilan ang paglabas ng mga tao sa gitna ng pagluluwag ng mga restriksyon.
 

The Netherlands

Bukas na ang mga dine-in restaurants sa The Netherlands ngayon. Bukas na rin ang mga zoos, amusement parks, museum, theaters, gyms, saunas, at cinemas. Pinapatupad pa rin ang 1.5 meters social distancing requirement. Sa mga bahay naman, apat na tao lamang ang pwedeng bumisita.

Tuloy-tuloy pa rin ang vaccination program sa bansa.
 

France

Sa Paris, France naman, nagbayanihan ang isang grupo ng Pinoy artists para makapagbigay ng ayuda sa mga senior citizens doon. Pinamagatan itong ‘Pinta Ayuda.’ Ayon kay Ryan Arbilo, Pinoy artist sa Paris, ginagawa nila ito sa kabila ng exposure sa COVID para makatulong sa pinoy seniors. Pinupuntahan nila mismo ang mga matatanda sa kanilang mga bahay.

Gayundin si Wilson Paguyo, na nagsimulang mag-donate ng bahagi ng kaniyang sweldo mula pa lamang noong unang lockdown sa Paris. Aniya, nadiskubre nilang marami palang matatandang hindi na nakakababa sa kanilang mga units, o di kaya’y mga operado, kung kaya’t nag desisyon silang tumulong.

Ang pondo ng Pinta Ayuda ay mula sa donated paintings ng Pinoy artists na naibenta para makatulong sa mga nangangailangan sa kabila ng pandemya.
 

Italy

Buhay rin ang diwa ng bayanihan sa Torino, Italy, kung saan tumulong ang Pinoy organization na ACFIL sa mga homeless at pamilyang namatayan. Ito ang napili nilang paraan para ipagdiwang ang kanilang 25th anniversary.

Mahigit 50 food packs ang ipinamigay nila mula sa donasyon ng mga Pinoy sa Torino at ng iba pang Italian groups. 

Ayon kay ACFIL President Rosalie Cuballes, kaunting liwanag ang hatid nila sa kabila ng madilim na kabanata ng buhay ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID. 

 

LATEST

Israel defends Tehran strikes as UN urges de-escalation, accountability amid rising toll

6 days ago

Death penalty possible for suspected killer of Minnesota lawmaker

6 days ago

Iran and Israel exchange deadly strikes in spiralling air war

6 days ago
SEE MORE

EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...