NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

Pinakamalaking repatriation sa kasaysayan ng Pilipinas, kasalukuyang isinasagawa

Kasalukuyang isinasagawa ang tinuturing ng DFA na ‘biggest repatriation in PH history'
EMEA Admin | August 14, 2021
  • SHARE:

Kasalukuyang isinasagawa ang tinuturing ng DFA na ‘biggest repatriation in PH history.’ Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang mga repatriates ay mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
 
Huling nangyari ang ganito kalaking mass repatriation noong taong 1991 pa kung saan 20,000 hanggang 30,000 katao ang na-repatriate mula Iraq, Saudi Arabia, Kuwait, at iba pang bansa sa Middle East dahil sa Gulf War.
“It’s the biggest repatriation ever in our history, possibly the biggest repatriation anywhere, of any country, in the world,” ani Locsin tungkol sa kasalukuyang repatriation. Mahigit isang milyong Pilipino na ang na-repatriate mulang noong 2020, kung kailan nagsimulang kumalat ang COVID-19 sa buong mundo.
 

Image Source: DFA Website
 
Ngayong buwan lamang, inaasahang may 100,000 katao ang makakauwi ng Pinas lulan ng repatriation flights. Ito ay karagdagan sa humigit-kumulang 102,000 katao nang na-repatriate mula nang magsimula ang 2021.
 
Pero sa kabila ng malaking numero ng mga Pinoy na nakauwi na, marami pa rin sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang bansa ang nananatiling stranded at naghihintay ng repatriation flights. 
 

Ibinahagi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga sumusunod na datos tungkol sa mga nakauwing Pinoy:

  • Humigit-kumulang 481,305 repatriated Filipinos ang may land-based jobs sa ibang bansa
  • Nasa 308,332 naman ang nagtatrabaho sa mga barko
  • Humigit-kumulang 1,986 ang nakauwi mula sa Sabah, Malaysia



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...