Pumanaw dahil sa atake sa puso ang world-class fashion designer na si Rocky Gathercole. Kilala si Gathercole sa kanyang mga kakaiba at eleganteng disenyo na kung tawagin ay "avant-garde." Nabihisan na ni Rocky Gathercole ang mga Hollywood stars at celebrities tulad nina Beyoncé, Jennifer Lopez, Katy Perry, Nicki Minaj, Britney Spears, Thalia, at iba pa.

Ilan sa mga Hollywood stars na madalas ipagdisenyo ni Rocky Gathercole
Kabilang sa mga naiwang proyekto ni Gathercole ang pagdidisenyo sana ng national costume ni Ms. Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, para sa nalalapit na Miss Universe pageant sa Florida. Ayon naman kay photojournalist Ruben Nepales, nasa kalagitnaan umano ng paggawa ng Chromatica stage costume ni Lady Gaga ang designer nang bigla itong pumanaw.
Rocky's Legacy
Bukod sa pagiging mahusay na designer, higit na kilala si Rocky dahil sa kaniyang adbokasiyang tumulong sa mga street children at inabusong kabataan sa Pilipinas. Marami siyang sinuportahang programa para sa cause na ito, tulad na lamang ng kanyang Bantay Bata fundraiser noong 2017 kung saan nag-exhibit siya ng koleksyong 20 years niyang ginawa, para sa charity. Nang ma-interview namin siya noon, tinawag niyang "dream project" ito.

Rocky Gathercole's collection for Bantay Bata 163 fundraiser; Photos by Krisz Viola for Lifestyle Network (2017).
Malapit sa puso ni Rocky ang mga bata dahil sa kaniyang mga pinagdaanan noong kabataan niya. Tumira siya sa kalye at naging street vendor matapos maglayas dahil sa pang-aabuso ng kaniyang mga magulang. “I was a battered child," kuwento ni Gathercole noon para sa kanyang "Rock the Runway" fashion show interview. "So, given the chance, I want to help the youth. I was very fortunate that God and truly good people took me out of the dark when I lived in the streets after running away from home. I’ve been very, very blessed. It’s time to give back."
Ang MMK Recap ng kuwento ni Rocky, na pinamagatang "Sketch Pad."
Well-loved by many
Nagsimulang umusbong ang career ni Rocky Gathercole sa Middle East, kung saan nanirahan siya ng 20 years. Una siyang nagtrabaho sa Saudi bilang assistant fashion designer sa atelier ng kapwa Pinoy. Mula roon ay nakilala si Rocky at nakabuo ng sarili niyang clientele dahil sa kaniyang kakaibang aesthetic.
Pumatok sa Europe, Middle East, at Amerika ang mga disenyo ni Rocky. Ilang beses na ring na-feature ang kaniyang mga koleksyon sa high fashion events sa US, tulad ng New York Fashion Week (NYFW) at Los Angeles Fashion Week.
Maraming kabayan sa Middle East ang nakiramay at nagluksa sa biglaang pagpanaw ng designer, tulad na lamang ni Evelyn Sapalicio Cruz na nag-share ng magandang ala-ala tungkol sa namayapang designer. Aniya, "Almost every photo shoot for charity in Dubai until the Yolanda / Haiyan typhoon had a Rocky Gathercole couture. Well known current Filipino photographers of the UAE have shot photos of several models wearing Very Rocky Gathercole Creations. Farewell Rocky Gathercole in the beyond. Rest easy and In Peace. You have gone to where we shall all go. May you have a warm welcome and embrace and a curtain call of your life’s finale full of beauty, elegance and eerie silence even as you left this world."
Nag-share rin ng mga masasayang ala-ala ang makeup artist at kaibigan ni Gathercole na si Joseph Tayco, ng kanilang mga naging photoshoots sa Dubai noon.
Malapit rin si Rocky sa mga Filipino celebrities tulad ni Megastar Sharon Cuneta, na labis na nalungkot sa pagpanaw ng designer. "Certified Sharonian" si Gathercole, at sa maraming pagkakataon ay naipagdisenyo niya ang Megastar. Binahagi ni Megastar ang kanyang mensahe sa social media, tatlong oras matapos pumanaw ang kanyang kaibigang designer. "Rocky, wherever you are, I love you...Rocky was a solid Sharonian," aniya.

Sina Rocky Gathercole at Megastar Sharon Cuneta noong 2017. Photo credit: Krisz Viola for Lifestyle Network (2017)
Nagparating rin ng pakikiramay ang Mexican singer-actress na si Thalia sa pagkamatay ni Rocky. Aniya, isa si Rocky sa mga may pinakamalikhaing pag-iisip sa industriya. Ipinost niya sa kanyang social media ang ilan sa mga costume na ginawa ni Rocky para sa kanya. Ayon sa mexican media, binibigyang-pugay nila ang Pinoy designer na malapit sa puso ni Thalia, at siyang naging malaking bahagi ng career ng singer-actress.
Malungkot man ang maraming kaibigan at kasamahan ni Rocky sa industriya, hindi naman maikakaila na naging matagumpay siya sa kaniyang misyon sa buhay. Sa isang interview noon para sa ABS-CBN, binanggit ni Rocky na higit sa pagiging mahusay na designer, ang pagtulong sa mga kabataang nangangailangan ang gusto niyang maiwang legacy.

Photo credit: Krisz Viola for Lifestyle Network (2017)
Salamat at paalam, Rocky Gathercole. Rest in Peace, Kapamilya.