Mula sa Ulat ni Maan Alcantara Rivera
Panalo ang Filipina tennis player na si Alex Eala at ang kaniyang Russian partner na si Oksana Selekhmeteva sa French Open kamakailan. Nasungkit nila ang French Open Girls’ Doubles Title, mula sa kanilang mga kalaban na galing Italy naman.
Proud ang mga Pinoy na nasa Paris sa achievement ni Eala, na tatlong taon pa lamang sumsabak sa professional tennis. Aniya, humuhugot siya ng inspirasyon mula sa kaniyang pamilya at fans na patuloy na sumusuporta sa kaniya. Matapos ang match, tumulak naman si Eala pa-Spain para muling lumahok sa isa pang tourney.