Base sa pag-aaral ng ilang Filipino scientists, mabisang panlaban sa coronavirus ang virgin coconut oil (VCO) lalo na sa mild to moderate cases ng COVID-19. Ayon sa research, maaaring mapababa ng VCO ang viral load ng COVID ng hanggang 60% to 90%.
Bukod sa mismong pagsira sa virus at pagpapababa ng lebel nito sa katawan, pinapataas din ng VCO ang immune response ng pasyente laban sa COVID.
"The results are very promising, as not only does it show that the VCO, by itself, can destroy the virus, but it also has a key mechanism in upregulating the immune response against COVID-19,” ayon kay Dr. Jaime C. Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).
“Indeed, we look forward to the results of clinical trials on the various uses of VCO as an adjunct for the treatment of COVID-19," dagdag ni Dr. Montoya.
Kilala na ang VCO bilang supplement lalo na sa Pilipinas, pero wala pang kumpletong datos hinggil sa kontribusyon ng VCO bilang espesipikong preventive measure laban sa COVID. Ayon kay Science Secretary Fortunato de la Peña, kailangan muna nila ng datos mula sa pag-aaral bago irekomenda sa publiko ang pag-inom ng VCO pang-iwas-COVID, pero bilang supplement ay subok na itong nagpapalakas ng katawan. (Basahin ang health benefits ng VCO dito.)
Maaaring inumin ang VCO bilang kapsula, o ihalo sa kape o pagkain kada araw. Para sa may mga health conditions, mas maigi pa ring kumonsulta sa inyong doktor bago magdagdag ng kahit anong panibagong supplements.
Ongoing pa rin ang mga pag-aaral tungkol sa epekto ng VCO sa COVID-19 patients, pero ang mga resultang ito ay hango sa anim na buwan na trials na suportado ng Department of Science and Technology (DOST). Inaasahang lumabas ang kumpletong analysis ng pag-aaral ngayong Nobyembre 2020. Naging matunog rin ang balitang ito sa scientific community sa ibang panig ng mundo dahil sa maaaring maging mabuting epekto kung matitiyak ang bisa at saktong dosage ng VCO na kailangang ibigay sa COVID patients.
Bukod sa Pilipinas, nagsasagawa rin ng mga pag-aaral ang mga dalubhasa sa ibang bansa tulad ng Indonesia at US, para matiyak ang epekto ng VCO bilang "adjuvant" o pampalakas ng immune system laban sa coronavirus.