Good news! May nais ka bang bilhin mula sa U.S.? Mapapadali na ang iyong online shopping gamit ang Emirates Delivers.
Sa pamamagitan ng Emirates Delivers, mabibigyan ng U.S. virtual address ang mga online shoppers. Maaaring maipa-ship ang mga nais bilhin sa mga US e-commerce shops sa virtual address na ito at maipapadala sa iyong UAE address.
Dagdag pa, maaari niyong i-avail ang 30 days free storage para maipon ang inyong mga online purchases at maipadala sa inyong UAE address nang isang bagsakan. Noong Agosto, dalawang beses sa isang linggo ang freight cargo flights ng Emirates mula Florida patungong Dubai.
Lahat ng frequent flyers sa Emirates ay maaaring makakuha ng libreng membership.
Patuloy na pinagaganda ng Emirates Airlines ang kanilang mga serbisyo, lalo ang kanilang delivery o freight cargo service.
Image Source: Tumisu | Pixabay