'Taste of Pinoy' takeout restaurant, hatid ang Pinoy food sa mga residente ng Dawson City, Yukon
Kulturang Pinoy, ibinabahagi ng 'Taste of Pinoy' restaurant sa pamamagitan ng Pinoy food takeout
Shin Kitane | September 09, 2021
Malaking bahagi ng kulturang Pinoy ang pagluluto at pamamahagi ng pagkain sa mga kaibigan at kapitbahay. Ito ang naging inspirasyon ng maghipag na sina Rommel Verdeflor at Anafe Evalarosa sa pagtatayo ng "Taste of Pinoy" sa Dawson City, Yukon.
Nabuo nila ang ideyang ito sa gitna ng pandemya noong nakaraang taon. Ngayong Agosto ay nabuksan na nila sa wakas ang kauna-unahang Pinoy takeout stall sa Dawson.
Ani Verdeflor, naging inspirasyon nila ang malaking Filipino community sa Dawson. Madalas rin daw kasi silang magluto ng pagkaing Pinoy at mag-imbita ng mga kaibigan sa kanilang tahanan, kung kaya't naisipan nilang ibahagi ang pagkaing Pinoy sa mas marami pang tao.
"It's in our culture to cook more so we can give to this family, give to that family. And once they share that to a non-Filipino community member they say 'oh where did you get it?'," kwento ni Verdeflor sa interview sa kaniya ng CBC News.
Bahay-kubo style ang napiling disenyo nina Verdeflor para sa kanilang takeout stall. Dito nila niluluto ang mga pagkaing Pinoy bago ibenta sa publiko.
Bukas ang Taste of Pinoy food stall dalawang beses sa isang linggo. Ayon sa business partners, hindi pa nila magawang buksan ito full-time dahil pareho silang may mga day jobs.
"It's always two consecutive days, but it varies," ani Verdeflor. "For us it's just a hobby-slash-income, you know. We just want to squeeze it into our availability."
Kasama sa kanilang menu ang Pinoy-style spaghetti, lumpia, barbeque, fresh steamed rice, pancit, siomai, at marami pang iba.
Image Credit: Taste of Pinoy