Nais mo bang ma-improve ang pagbabasa ng Arabic language? Pwes, maaari mo nang gamitin ang Google App na tinatawag na “Read Along.“
Gamit ang Read Along app, tuturuan nito ang user na magbasa gamit ang tamang pronunciation. Ginagamit nito ang teknolohiya na text-to-speech at speech recognition para madetect kung nahihirapang magbasa ang user. Sa tulong ni Diya, ang in-reading character ng app, tuturuan ang user na banggitin at basahin ang mga teksto na nasa app.
May available na sampu na lengguwahe sa Read Along app, kasama ang English, Spanish, Hindi, Portuguese, Arabic, Urdu, Bengali, Tamil, Telugu, at Marathi. Ayon sa pahayag ng product marketing manager na si Nitin Kashyap, isa ang Arabic sa mga may pinakamaraming requests mula sa kanilang users.
Available ang Read Along sa Google Play Store para sa mga android devices.
Image Source: Hatice EROL | Pixabay