Mula sa ulat ni Rose Eclarinal, TFC News
Naitala sa unang pagkakaton mula Enero ang single COVID-related death toll sa loob ng 28 days. Patuloy rin ang pagbaba ng mga kaso ng COVID sa bansa ayon sa Public Health England.
Inaasahan na ang pagluluwag ng lockdown sa pagbubukas muli ng indoor dining sa mga restaurants simula May 17, 2021. Pangako naman ni Prime Minister Boris Johnson, balik sa normal na ang UK pagsapit ng June kung mapapanatiling mababa ang bilang ng COVID cases.
Ayon kay Health Secretary Matt Hancock, nasa 50 million individuals na ang matagumpay na nabakunahan sa UK. Dahilan ito para asahang mas bababa pa ang bilang ng mga bagong kaso sa mga darating na linggo habang mas dumarami pa ang bilang ng mga nabakunahan.
Idedetalye na rin sa mga sumusunod na araw ang pagluluwag ng restrictions ukol sa foreign travel.