Photo by David Edelstein on Unsplash
Inanunsiyo ng Embahada ng Japan sa Pilipinas na tumatanggap na ng aplikasyon ang JICC o Japan Information and Culture Center para sa scholarship program ng gobyerno ng Japan sa mga Pilipino.
Kabilang sa 2022 Japanese Government (MEXT/Monbukagakusho) Scholarship Program ang mga kategoryang Research, Undergraduate, Specialized Training College, at College of Technology.
Lahat ng Pilipinong kwalipikado ay maaaring mag-apply sa libreng paaral na handog ng Japanese government, basahin ang detalye sa ibaba:

Maaaring i-download dito ang application forms at iba pang kailangang dokumento.
Ang deadline ng submission ay hanggang sa ika-31 ng Mayo, 2021. Paalala ng Embahada na ang tatanggapin lamang nilang aplikasyon ay ang hard copies sa A4 size paper at kailangang ipadala via courier. Posible ring masuspend o macancel ang pagproseso sa aplikasyon depende sa sitwasyon ng COVID-19 restrictions kaya’t mag-antabay sa mga abiso ng Embahada patungkol sa scholarship program.
Bisitahin ang website ng Embassy para sa iba pang detalye. At para sa mga katanungan, maaaring iemail ang Embahada ng Japan sa Pilipinas: scholarship@ma.mofa.go.jp.
Source: Embassy of Japan in the Philippines