NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

Pinoy nag-Janitor para makaipon, Restaurateur na ngayon sa Australia

Apol Mabini, TFC News Philippines | February 12, 2021
  • SHARE:

Canberra, Australia – Taong 2013 at sa edad na 19 years old, nilisan ni John Andrew Dangca ang kanyang ina at mga kapatid sa Dasmariñas, Cavite at lakas-loob na nagtungo sa Sydney, Australia sa tulong ng kanyang tiyahin mula sa father side. Ang kanyang goal noon, pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap-buhay para masuportahan ang pananatili sa bansa.

Hindi nag-aksaya ng panahon si John at nag-enrol sa kursong Diploma of Disability sa Quakers Hill Blacktown dahil in demand noon ang support work at intensyon niyang makapagtrabaho agad. Kung kaya’t ang unang job offer ay tinanggap niya agad kahit ito pa ay pagiging janitor.

Janitor

“…basta po iniisip ko po was makapag–ipon kaagad…Pangarap ko po talaga is maiahon po ang family ko sa buhay, ‘nung namatay ang tatay namin nagkautang–utang po kami kung kani–kanino. Kaya naisip ko po na lalo pang magpatuloy, lumaban at mangarap…nagsumikap po talaga ako para po may makain ang family ko sa Pinas and para naman po sa sarili ko pambayad sa school, bills and necessities,” pagbabahagi ni John.

Hindi lamang isa, kundi multiple jobs ang nilagari ni John dahil sa determinasyong niyang makaipon at para masuportahan ang mga sariling gastusin habang patuloy na binubuhay ang pamilya sa Pilipinas.

“…nag–part–time po ako ng iba’t ibang trabaho: mall cleaning, house cleaning, office cleaning, child care facility cleaning, hotel and kitchen…,” dagdag pa ni John.

At dahil ayaw niyang maging pabigat sa mga kamag-anak, hindi nagtagal ay bumukod na si John at nagsariling sikap na para kumayod at mag-aral kasabay ng pagpapadala niya ng pera sa pamilya sa Pilipinas bilang siya ang inaasahang bread winner.

“…kasama ko po that time ‘yung mga cousins ko po then nag–decide po ako humiwalay…Marami po akong tinirhan sa Sydney noon, nag–decide po ako humiwalay sa mga relatives ko po para makapag–work po ako ng marami at malapit sa workplace and train station. Siguro po naka 7 times po ako palipat–lipat ng bahay.

Hangga’t maaari po kasi ‘di po ako humihingi ng tulong sa mga relatives ko kasi ayaw ko maging pabigat sa kanila dahil meron din po silang pamilya kaya kumayod po ako ng husto. Sobrang thankful kasi kahit sa anong decision ko po, naging supportive pa rin po mga relatives ko sa akin,” ani John.

Aral sa umaga, trabaho sa gabi. ‘Yan ang naging routine ni John. Sa paglalagari niya sa pag-aaral at trabaho, halos ang pagbibiyahe niya mula sa isang trabaho papunta sa isa pa ang nagmistulang pahinga niya na umabot pa sa puntong sa train station na siya nakakatulog.

“…ayun na lang po yung pahinga ko minsan kasi 1 hour naman ang biyahe papunta sa isang job. Night shift po kasi ako dati sa hotel. Natatapos po ako ng 4:00 am then 5:00pm start naman po ng biyahe ng train, minsan po start naman ako sa mall cleaning ‘nung 7:00 am kaya sa train station na po ako nakakatulog,” pagbabalik-tanaw ni John.

Sa araw- araw at ‘pag nakakaramdam na siya ng pagod at pagkalungkot sa Australia, bukod sa pakikipag-video chat sa pamilya sa Pilipinas, pagtawag lang sa Panginoon ang nagbibigay sa kanya ng panibagong lakas ng loob:

“…araw araw bago magsimula ang school at work noon nagdadasal po talaga ako, at doon po ako kumukuha ng lakas ng loob makipagsapalaran sa buhay.”

Taong 2016 nang makamit ni John ang kanyang kauna-unahang diploma sa kursong Disability na nagamit niya agad sa kanyang panibagong trabaho bilang aged-care assistant in nursing kasabay ng iba pa niyang cleaning jobs:

“…sobrang saya ko po noon dahil pwede na po ako makapag work ng related sa course at dito po ako nagsimula magwork as an aged–care assistant in nursing. Pero ‘di ko pa di po iniwan ‘yung iba ko pa pong job, diskarte lang po talaga. Pero ‘di po dito nagtatapos dahil noong time na po na ‘yun nahirapan po ako masettle ‘yung permanency ko po kaya nag decide po ako na mag–apply po uli ng another student visa then nag–take po ng Diploma of Leadership and Management.”

Sobrang proud ng pamilya ni John noong natapos na rin niya ang ikalawang kurso sa leadership and management. At paunti-unti, paisa-isang nakuha ni John ang kanyang pamilya mula Pilipinas para magmigrate sa Australia at meron pa silang ibang kapamilyang susunod sa kanila.

“Year 2016 po ‘yung unang nakuha ko po ‘yung kapatid ko na sumunod sa ‘kin. August 2019 naman po ‘yung sister namin then December 2019 ‘yung mother namin. Meron pa po kaming isang kapatid and mga pamangkin na balak kunin sa Pinas. Sobrang saya po, bawat member po ng family ko na nakakapunta dito, lahat po ‘yun sobrang blessings and achievements,” masayang kuwento ni John. 

September 2019, nagdesisyon na si John na sumugal na sa pagsisimula ng pagpapatayo ng kanyang sariling restaurant na Salu-Salo sa Canberra, Australia. Hindi raw naging madali ang kanilang pag-uumpisa at inabot ng apat na buwan bago nabuksan sa publiko ang kanyang pinaghirapang restaurant:

“Bago po ako makakuha ng restaurant sobrang hirap po, nagkautang–utang po ako kung kani-kanino and thankfully din po, bago po ako kasi makakuha ng resto, may mga na–invest na rin po ako sa Pinas at malaking tulong din po ‘yun sa panggastos namin.”

25 taong gulang si john nang sumugal siyang magpatayo ng sariling restaurant noong 2019. At nitong January 20, 2021, ipinagdiwang niya ang kanyang ika-27th birthday kasabay ng 1st anniversary celebration ng kanyang restaurant:

“January 20, 2020 kasabay po ng 26th birthday ko, binuksan po namin ang Salu-Salo restaurant sa publiko. Siguro po yung pagiging unique po namin bilang Salu-Salo restaurant is nag–stay lang po talaga kami sa traditional na Filipino cuisines, meron po kaming mga ihaw-ihaw, kakanin at mini groceries (Filipino snacks) na ino–offer sa mga kababayan. Pwede po kami mag–hold ng mga iba’t ibang occasions such as Birthday events, Garden wedding, baptismal at iba pa...

Hard work, patience, determination and courage po ang naging puhunan ko makamit lang po lahat ito.”

At sa lahat ng kanyang mga pagsisikap at pagpapakahirap, ang kanyang pamilya ang kanyang sandigan.

“They are my everything po, ‘nung nawala po ‘yung tatay namin, wala na po akong inisip kundi ang family ko. They are my strengths and weaknesses po.”

Kaya’t sa mga kababayang patuloy na nakikipagsapalaran sa Pilipinas man o sa ibang panig ng mundo, ito ang paalala ni John:

“…magtiwala lang po sa sarili natin. ‘Wag matakot at itaas po lahat sa Diyos, kung nakaranas po tayo ng failures ‘wag agad susuko bagkus, maging matatag pa dahil balang araw, magiging successful din po tayo.”



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...