NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

Pinoy coast guard na nagligtas ng 62 katao mula sa lumulubog na barko, ginawaran ng international award

Admin | April 23, 2021
  • SHARE:

Nung nakatalon na kami, when I looked back, wala na ang barko. Ganoon kabilis.”
-PCG officer Barajan

Nakatanggap ng pinakamataas na parangal mula sa International Maritime Organization (IMO) si Philippine Coast Guard officer Ensign Ralph O. Barajan matapos niyang iligtas ang 62 katao mula sa lumulubog na barko.

April 2021 iginawad ang IMO Award for Exceptional Bravery at Sea kay Barajan para sa kanyang ipinakitang kabayanihan nang iligtas niya ang mga pasaherong lulan ng lumulubog na M/V Siargao Princess sa Sibunga, Cebu noong November 2019.

“Thanks to his courage and decisiveness, Petty Officer Barajan ensured the survival of all 62 lives onboard the sinking Siargao Princess,” pahayag ni Tamara Vassilissin mula sa awards ceremony ng IMO.

Nagpasalamat naman si Barajan sa Panginoon at sa kanyang mga katrabaho na kumilala sa kaniyang ginawa. “I dedicate this award to all the unsung heroes of the Philippine Coast Guard, my fellow survivors, and my family,” dagdag pa niya.

Kuwento ni Barajan sa ANC, hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon–November 7, 2019 nang lumubog ang M/V Siargao Princess. Maliwanag umano ang langit at walang alon, kung kaya’t wala silang ideya na may mangyayari palang trahedya sa karagatan.

Biglaan umano ang paglakas ng alon at pagpasok ng tubig sa barko, at agad itong naging hudyat para kay Barajan na tumawag na agad ng tulong mula sa coast guard stations para magpa-rescue. Kinumbinsi rin niya ang kapitan ng barko na agad na mag-isyu ng abandon ship order at huwag nang mag-intay pa ng rescue team sa loob ng lumulubog na barko, na mabilis nang napupuno ng tubig sa panahong iyon. 

Karamihan umano sa mga pasahero noon ay mga sibilyang matatanda at bata, kung kaya’t maraming nag-aalinlangang tumalon mula sa barko sa gitna ng unos. Marami umano sa mga pasahero ay kinailangan pang itulak ni Barajan upang hindi sila maiwan sa lumulubog na barko. Ang mga batang walang magkasyang life jacket ay hinanapan rin niya ng floatation device. Isa ring registered nurse si Barajan, bagay na marahil ay nakatulong sa kaniyang kaalaman sa pag-rescue at pakikipag-usap sa mga bata at nakatatanda. 

 “Nagpasalamat din ako sa mga crew kasi kahit na may lapses sila, eventually nagtulungan kami nung nandun na kami sa dagat—sa pagtali, pag collect ng mga tao. It’s not like ako lang ang gumawa ng lahat,” kuwento pa niya sa ANC.

Dahil sa pandemya, isinagawa ng birtwal ang awards ceremony sa pamamagitan ng YouTube channel ng ahensya ng United Nations. Kasabay na pinarangalan ang dalawang Brazilian pilots na pumigil naman sa pagkakaroon ng major oil spill sa karagatan.


Image credit: ANCX / ABS-CBN News



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...