Mula sa Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
Tinaguriang “Most-Watched” sa kasaysayan ng Arab Fashion Week ang “Inner Sanctum” kung saan bumida si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Isa itong fashion film para sa Dubai-based Pinoy designer na si Furne One at Amato Couture.
Ayon sa ABS-CBN News, humakot ng 24 million impressions ang fashion film sa loob lamang ng isang linggo. “Siyempre [nag] yes ako right away! I’ve always wanted to work with him in a creative way,” pahayag ni Pia.
Siyam na iba’t-ibang outfits at locations daw ang minodel ni Pia sa “Inner Sanctum,” na nabuo sa gitna ng mahigpit na pandemic restrictions sa Dubai noong panahon ng kanilang filming.
Si Pia Wurtzbach rin ang kauna-unahang Miss Universe na bumida sa Arab Fashion Week.