Photo: Pinamunuan ni Philippine Ambassador to Spain Philippe Lhuillier (pinaka-kanan) at si Philippine Consul General to Barcelona, Maria Theresa Lazaro (pangalawa mula kanan) ang ribbon cutting para sa pormal na re-opening ng Philippine Consulate General sa Barcelona. (Barcelona PCG photo)
BARCELONA – Muling binuksan ng DFA ang Philippine Consulate sa Barcelona nitong June 7, makalipas itong isara noong 2012 o halos siyam na taon.
Mula 2021, kailangang sadyain pa ng mga Pilipino sa Barcelona ang Philippine Embassy sa Madrid para sa kanilang consular services tulad ng passport renewal. Pero nitong buwan, pormal na tinuldukan na ang problemang ito ng Department of Foreign Affairs.
Sa isang simpleng ribbon cutting ceremony, pinasalamatan ni Philippine Consul General to Barcelona Maria Theresa Lazaro si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., Philippine Ambassador to Spain Philippe Lhuillier, at ang Filipino community sa Barcelona na masigasig na nanawagan sa pamahalaan na buksang muli ang konsulado.
“Dear friends, our task is as grand as our vision, for this Consulate to become the platform for a more rejuvenated collaboration and frequent exchanges.”, pahayag ni Consul General Maria Theresa Lazaro
Lubos din ang galak ni Philippine Ambassador to Spain Philippe Lhuillier sa pagbubukas muli ng konsulado. Hindi raw matatawaran ang matatag at malalim na pagkakaibigan ng Pilipinas at Espanya.
“…but we don’t want to simply reminisce the past. We want to look ahead and underscore these historical ties as a foundation for building a stronger relationship.”, sabi ni Ambassador Lhuillier.
Malaking tulong ang konsulado sa mahigit 35,000 Pilipino na nasa Barcelona at mga kalapit na lugar. Bukod sa consular services, sentro rin ang konsulado sa economic at cultural relations sa pagitan ng Pilipinas at rehiyon ng Catalonia ng Espanya.
Kasama sa mga nagbigay ng talumpati at pagbati sa Philippine Consulate at Filipino Community ay mga high ranking Spanish Officials, tulad ni Sub-delegate of the Government of Barcelona, Hon. Carlos Prieto; Minister of Foreign Affairs of the Generalitat de Catalunya, Hon. Victoria Alsina; at Deputy Mayor Laia Bonet.
Maging ang Barcelona Chamber of Commerce, networks of the Barcelona Activa, pinuno ng mga institusyon tulad ng Casa Asia at Think Tank Barcelona Center for International Affairs at iba pang miyembro ng Barcelona business community ay dumalo sa seremonya sa pagbubukas muli ng konsulado.
Napilitang isara ng Philippine Goverment ang konsulado sa Barcelona dahil sa pagtitipid at pag-reallocate ng resources sa ibang bansa na mas nangangailangan ng atensyon ng DFA.
Inilipat ang consulate officials sa Madrid at isang diplomatic staff ang naging honorary consul sa lugar sa loob ng halos siyam na taon. – End
Para sa karagdagang impormasyon, basahin: https://dfa.gov.ph/dfa-news/news-from-our-foreign-service-postsupdate/29137-
philippine-consulate-general-in-barcelona-re-opens-to-the-public