NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro, tinanggal sa pwesto dahil sa pangmamaltrato ng kasambahay

Mula sa Ulat ni Mye Mulingtapang | March 14, 2021
  • SHARE:

 

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro dahil sa pangmamaltrato sa 51-anyos niyang kasambahay. "'Yung ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, I signed a document affirming the decision," pahayag ng pangulo noong March 1, 2021. 

Dahil sa naturang pagsibak, hindi na makakuha ang dating ambassador ng retirement benefits at civil service exams. Hindi na rin siya maaaring bumalik sa gobyerno para magtrabaho. 

Binigay naman ng dating ambassador ang kaniyang panig sa TFC News. Aniya, kwestiyonable ang legalidad ng pagkakatanggal sa kanya sa serbisyo, at hindi rin umano siya nabigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kaniyang sarili. "Masyadong harsh 'yung desisyon ng DFA na i-dismiss ako," pahayag ni Mauro. "It's an overkill. Maraming mga ebidensya na hindi tiningnan, hindi ko alam kung bakit." Balak ni Maurong umapela sa desisyon ng DFA.

Para naman sa OFW rights group na Migrante, kulang pa ang parusang ibinigay sa ex-ambassador. Hindi raw sapat ang pagkakatanggal laman sa puwesto--dapat rin daw na makulong si Mauro para sa pang-aabuso ng kapwa Pilipino. 

Gayunpaman, may mga Filipino community groups ding sumusuporta sa pahayag ni Mauro hinggil sa pagiging "overkill" ng desisyon sa kanyang pagkakasibak sa pwesto. Para kay OFWatch Italy President Rhoderick Ople, masyadong mabigat ang parusang ibinigay kay Mauro. Aniya, sana ay dinemote na lang umano ang dating ambassador. May ilan ring nagpahayag ng suporta at pasasalamat sa social media, para sa mga nagawa ng dating ambassador para sa kanila noong consul general pa lamang ito sa Italy.

Dahil sa kinaharap na isyu ni Mauro, hindi na maaaring magsama ng household staff ang mga opisyal ng gobyerno na may foreign assignment, pwera na lamang kung nasa listahan ng OWWA ang mga naturang household staff.



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...