Mula sa Ulat ni Lyndon Aballe
Nagbunga ang online business na nabuo sa gitna ng pandemya ng magbabarkada na pinangungunahan ni Yuseff Richard. Itinatag nila ang “Grind All Day Clothing” sa Riyadh sa gitna ng kabi-kabilang pagkatanggal sa trabaho at hirap kumita ng pera dahil sa COVID-19 pandemic.
Nagsimula sa paisa-isang made-to-order pieces ang kanilang mga disenyo, hanggang sa dumami na ang kanilang mga kliyente na karamihan ay miyembro din ng Filipino community sa Riyadh. Pormal nang inilunsad ang Grind All Day Clothing ngayon, sa gitna ng new normal.
Malaki naman ang pasasalamat ni Richard sa mga tumatangkilik sa kanilang produkto, at sa pagkakataong makabuo ng business sa gitna ng pandemya.