Pinaalalahan ang lahat sa pagsunod sa bagong decency laws sa Oman. Maaaring makulong o magbayad ng malaking fines ang sinumang naglalantad ng kanilang balikat, tuhod, o dibdib habang nasa pampublikong espasyo.
Ipagbabawal ang pagsuot ng damit ay ang mga sleeveless tops at shorts sa mga shops at malls. Aabot sa 300 OMR o $780 ang penalty o pagkakulong hanggang tatlong buwan o pataas para sa mga mahuhuling lalabag ng mga patakaran na ito.
Ayon sa head ng panel na si Qais bin Mohammed Al-Maashari, “The same rules will be applied to citizens and expatriates alike in the sultanate. We have to make sure that the worn clothes do not violate decent dressing rules. Therefore, this code will apply to everyone without discrimination.”
Image Source: Paolo Ghedini | Pixabay