Nobela ng UK-based Filipina author kinilala bilang isa sa ‘best books of the last 100 years’ sa UK
Kinilala bilang isa sa Best Books of the Last 100 Years ang nobelang “Tall Story” ng Filipina author na si Candy Gourlay
EMEA Admin | July 12, 2021
Author Candy Gourlay. Photo by Mia Quimpo. From candygourlay.co.uk
Kinilala bilang isa sa Best Books of the Last 100 Years ang nobelang “Tall Story” ng Filipina author na si Candy Gourlay. Binigay ng UK book charity BookTrust ang parangal na ito kay Gourlay, na siyang sumulat ng nobela noong 2010.

Ang UK ang Philippine covers ng “Tall Story”
Sa ilalim ng kategoryang Young Adult Literature para sa mga batang edad 12-14 kabilang ang likha ni Gourlay. Hindi rin biro ang mga kasabayan ng kaniyang nobela sa Best Books list. Ilan lamang sa mga kinilala rin ang:
- A Monster Calls ni Patrick Ness
- Wonder ni RJ Palacio
- A Wizard of Earthsea ni Ursula Le Guin
- The Diary of a Young Girl ni Anne Frank
- Charlotte’s Web ni E.B. White
- The BFG ni Roald Dahl
- A Bear Called Paddington ni Michael Bond
- Harry Potter and the Philosopher’s Stone ni J.K. Rowling
- The Hobbit ni J.R.R. Tolkien
- The Lion, the Witch and the Wardrobe ni C.S. Lewis
Filipino Author in London
Taong 1989 nang mag-migrate si Gourlay sa UK matapos ikasal sa kaniyang asawang si Richard Gourlay. Unang nailathala ang “Tall Story” sa tulong ng David Fickling children’s fiction house, isang kilalang publisher sa UK. Nailathala rin ito sa Pilipinas sa tulong ng Cacho Hermanos publishing house, at ng Anvil Publishing Inc. para sa mga kasalukuyang edisyon.
Na-nominate ang aklat para sa 13 international awards. Nanalo ito ng Crystal Kite Prize sa Europe at ng National Children’s Book Award sa Pilipinas.
Pahayag naman ni Gourlay, hindi raw niya inaasahang makabilang sa listahang ito. Aniya sa isang interview para sa Philppine Inquirer, “It was so unexpected. I had no idea this list was coming out and to be honest, it was jaw-dropping to be on a list with Anne Frank, Philip Pullman and Malorie Blackman.”
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Tall Story at sa iba pang akda ni Gourlay, bumisita lamang sa kaniyang website.