Patuloy ang pagtanggal ng mga curfews at lockdowns at unti-unti nang bumabalik ang sa “new normal” ang mga bansa. Sa kasalukuyan, hindi pa rin opisyal na dineklara ang pagkawala ng COVID-19 pandemic kung kaya’t marami pa rin ang nagpapayo na manatili sa ating mga bahay.
Bagaman tayo’y nagtratrabaho o nananatili sa ating mga bahay, kinakailangang mapanatili ang ating malakas na kalusugan. Ayon sa World Health Organization, malaki ang ambag ng exercises o pagsasagawa ng physical activities para malabanan ang COVID-19.
Sa simula ng lockdown, karamihan sa mga parks at gyms ay hindi na maaaring mapuntahan. Ito man ang sitwasyon, may iba’t ibang exercises na magagawa sa mga maliliit na espasyo gaya ng iyong desk o living room. Heto ang ilan sa kanila:
Squats, push-ups, at sit-ups

Image Source: Keifit | Pixabay
Hindi nangangailangan ng malaking espasyo ang mga exercises gaya ng squats, push-ups, at sit-ups. Magandang exercises ito para ma-tone at ma-active ang iba’t ibang muscles sa iyong katawan. Hindi rin kailangang maging intense o matagal ang mga exercises na ito. Pwedeng kang magset ng bilang o oras at ma-reach ang goal mo para sa araw!
Walking in place o Dancing

Image Source: Vinicius “amnx” Amano | Unsplash
Kailangan mo ba ng cardio? Hindi kailangang lumabas para magjogging o running. Pwedeng magwalking in place o di kaya’y sumayaw sa inyong living room. Maraming YouTube videos na pwedeng sundan para sa walking at dancing exercises. Hindi mo rin kailangang bumili ng kahit anong gym equipment.
Yoga

Image Source: Free-Photos | Pixabay
Kung naghahanap ka na madaling exercises na mas nakafocus sa stretching at flexibility, i-try mo ang yoga! Maraming madaling poses na pwedeng gawin na tiyak na maga-activate ng iyong muscles. Tutulong rin ang yoga sa paghahanap ng peace and mindfulness gamit ang meditation. Habang nagtratrabaho rin sa office, pwede kang magset ng ilang minuto para gawin ang 11 yoga poses sa desk mo!
Image Source: Dane Wetton | Unsplash