Chonburi, Thailand – Dalawampu’t anim (26) na Pilipinong guro sa 888 mga guro sa buong Chonburi Province ang napabilang sa mga ginawaran bilang “Outstanding Teachers of the Year 2020.” Ang award na ito ay iginagawad ng Regional Ministry of Education taon-taon sa mga natatanging private school administrators and teachers sa buong rehiyon ng Chonburi.


Awardees from Satit Udomseuksa with school administrators
Nakapanayam ng TFC News ang dalawa sa 26 Pinoy teachers na napasama sa kinilala ng Ministry of Education ng Thailand sina Miss Mae Amor Flores at Mrs. Emma Bendana.

Si Miss Mae Amor Flores (kaliwa) at Mrs. Emma Bendana (kanan)
Ayon sa kanila, hindi nila inaasahang mapasama sa napakalaking pagkilalang ito sa kanila bilang mga guro. Labing-isa sa 26 na Pinoy teacher awardees ay nagmula sa eskuwelahang pinagtuturuan nila, ang Satit Udomseuksa kung saan nagdaos ang kanilang school administration ng awarding ceremony noong April 7, 2021 kung saan nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala ang mga pinarangalang guro.

Si Miss Mae Amor Flores (gitna) kasama sina Satit Udomseuksa School Director Mr. Visal Phettrakul (kaliwa) and General Manager Ms. Titipun Pettrakul (kanan)

Si Mrs. Emma Bendana (kanan) nang tinanggap ang sertipiko mula kay Satit Udomseuksa School Director Mr. Visal Phettrakul (kaliwa)
Nagulat pa nga si Miss. Flores, labing-apat na taon ng nagtuturo sa Thailand at ngayon ay Senior High School Math teacher nang malamang kasama sila sa award dahil ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na isinama ang mga foreign teacher sa ganitong klaseng parangal. Iginawad sa kanya ang Outstanding Mathematics Teacher for Senior High School Year 2020.
“…in my 14 years, ngayon lang namin na–witness na may foreign teachers na nabigyan ng award. Dati taga–attend lang kami ng mga awarding...Sabi nga ng Deputy Director ng school namin, si Mrs. Pranee Reanroo she really insisted na masali, mabigyan daw din ng award ang mga foreign teacher kasi equally qualified and deserving naman daw kami sa award.

Si Miss Mae Amor Flores, habang nagtuturo ng online class sa kanyang mga estudyante
Malaking karangalan po kasi ito po ang kauna-unahang award na binigay upang bigyang parangal ang mga Filipino and ibang lahi sa larangan ng pagtuturo. It is with great gratitude and nakikita ng mga taga Thailand ang husay ng bawat Filipinong guro. Nakakaproud po kase ang daming Pinoy sa Thailand na mga magagaling na hindi man lang nabibigyan ng pansin,” pagbabahagi pa ni Miss Flores na isa ring FilCom leader sa Pattaya City.

Sertipiko ni Miss Mae Amor Flores bilang Outstanding Mathematics Teacher for Senior High School Year 2020

Sertipiko ni Mrs. Emma Bendana bilang Outstanding Teacher and Education Personnel of Early Childhood Learning Group 2020
Si Mrs. Bendana naman, labintatlong taon ng guro sa Thailand at ngayon ay Pre-Primary 3 teacher ng English, Math at Science, lalo pang ginanahang pagbutihin ang kanyang pagtuturo nang dahil sa natanggap na pagkilala. Iginawad naman sa kanya ang Outstanding Teacher and Education Personnel of Early Childhood Learning Group 2020.

Si Mrs. Emma Bendana habang nagtuturo ng online class sa kanyang mga estudyante
“It challenged me to do better to become the best teacher that I can be and continue to be a role model to other teachers. It encouraged and inspired me to improve my teaching habit more in my creativity, engaging learning and various teaching aids,” ani Mrs. Bendana.
At ngayong pandemya, marami raw ang ipinagbago sa kanilang pamamaraan ng pagtuturo pero sa ngayon ay natutunan na nilang yakapin ang new normal.
“Maraming pagbabago, noong wala pang pandemya we are free to do and explore any learning activities both indoor and outdoor. Maraming nagagawang learning support to our students… physically. At ngayong may pandemya, very limited lang po ang space at chosen activities lang po ang naisasagawa to maintain safety measures,” ayon kay Mrs. Bendana.

“It was a big challenge at first, we have a lot of meetings, trainings and brainstorming kung paano namin maitawid ang pagtuturo through online. Mas madali kasing magturo kung face to face kasi matututukan mo ng maigi ang mga estudyante mo at madali ang medium of instruction. But our school bought a zoom package for Education and we did trainings kung paano magturo gamit ang zoom at Google classroom. Also, nagresearch din ang mga teacher ng mga interactive worksheet para hindi na kailangan ng mga magulang ng printer. It was a team effort po at praise God maayos naman ang naging results. We have positive comments from the parents and from the school,” kuwento naman ni Miss Flores.

At sa usaping pagpapabakuna laban sa COVID-19, parehong hindi pa nababakunahan sina Miss Flores at Mrs. Bendana ngunit handa silang tumanggap ng vaccine kapag ito ay ipinamahagi na rin sa mga tulad nilang dayuhang residente sa Thailand.
“May vaccine naman na po ang Thailand…Hindi pa po kami nababakunahan kasi wala pa po silang binibigay na schedule and timeline. I am 100% sure na kapag meron nman po, lahat mabibigyan. Inuuna po muna nila ang mga frontliner nila at yung mga elderly or yung nasa high risk. Maybe by 3rd quarter ay mag–uumpisa na ang nationwide vaccine once meron na silang enough vaccine for all. Very positive naman po ang mga Filipino rito sa Thailand, naghihintay lang po ng mga announcement kung kelan po mabibigyan ng vaccine,” ani Miss Flores.
At para sa kanilang mga kapwa guro sa labas man o loob ng Pilipinas, ito ang mensahe nina Miss Flores at Mrs. Bendana.
“Take courage for better things are yet to come. Do not get tired of doing good things for He knows the desires of our heart. He will bless us and favor us. Take time to pray. Be humble for God favors the humble. May we be the source of hope to our family, friends, colleagues, community and students. Be a blessing,” ani Mrs. Bendana.
“Mahalin po nila yung trabaho nila, kasi when you love what you do it’s not as tiring as you thought it would be. Ang mga Filipino teacher naman ay magagaling, so kahit po hindi man nabibigyan ng recognition just keep doing what is right kasi you have a huge recognition from Above. To God be the Glory po,” sabi ni Miss Flores.