Doble selebrasyon ang 24th birthday ni Maymay nitong May 6, 2021 dahil minarkahan rin ng aktres ang kaniyang kauna-unahang international magazine cover.
Tampok si Maymay sa Dubai-based luxury travel magazine na Xpedition, kung saan makikita ang magagandang litrato ni Maymay na kuha sa highest peak sa UAE, ang Jebel Jais.
Ni-release ng naturang magazine ang tatlong covers ni Maymay, na pinamagatang “Higher Love.”
“@xpeditionmagazine presents @Maymay’s first international cover this 2021 shot in the UAE’s highest peak – the unforgettable place where she was first hailed as an international model, produced by #JoshYugen – the same producer behind her historical and successful Arab Fashion Week debut..,” pahayag nila.
Unang nakilala si Maymay sa Arab fashion scene nang rumampa siya sa Arab Fashion Week sa Dubai noong 2018. Siya ang kauna-unahang Filipina model na rumampa sa Arab runway.
Para sa cover ng Xpedition magazine, personal namang inimbitahan si Maymay ng Dubai-based Filipino designer na si Furne One para imodelo ang kaniyang Pre-Fall collection para sa Amato Couture.
Madamdamin naman ang birthday message ni Maymay para sa kaniyang birthday. Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram na may pinagdaraanan siyang personal pero malaki ang pasasalamat niya sa mga biyayang natatanggap. “Dumaan man ang isa sa mga pinaka mahirap na pagsubok sa buhay ko at kahit hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan parin ako ng hamon sa buhay hindi lang sa pandemya kundi sa sarili ko, ang dami parin dapat pasalamatan at isa na dito ay ang unconditional love ng mga mahal ko sa buhay,” sulat ng aktres. “Hindi ko hahayaang masira pa ang napakagandang binigay ng tyansa ng Panginoon na tatagan ko pa ang sarili ko and continue to live right.”
Image credit: Instagram/Xpedition Magazine