Maraming historical landmarks ang nasira sa paglipas ng panahon. Kung kaya’t napakaganda nang makitang digitally restored ang lima sa UNESCO Heritage Sites. Parte ng kampanya ng Budget Direct Travel Insurance ang ma-digitally restored lalo na ang mga sites na kinategorya na “in danger.”
Nakipag-collaborate ang Budget Direct sa NeoMam Studios at mga Serbian at Turkish architects. Ginamitan ng computer-generated graphics at animations ang mga sites para maipakita ang kagandahan ng mga sites bago ito nasira. Kasama sa listahan ang Leptis Magna sa Libya, Hatra sa Iraq, Palmyra sa Syria, Portobelo-San Lorenzo Fortifications sa Panama, at Nan Madol sa Federated States of Micronesia.
Mula sa 53 sites, pumili ang team ng Budget Direct ng mga sites na gawa ng mga tao o man-made. Pinili rin nila ang mga sites na may mga natitirang elemento na maipapaganda. Tignan ang mga heritage sites dito!
Image Source: Véronique Dauge | Wikimedia Commons | CC BY-SA 3.0 IGO