NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

Libreng Chinese Language Training sa Taiwan, malaking tulong sa mga Pinoy

Marie Yang, TFC News Taiwan | August 04, 2020
  • SHARE:

Dalawang porsyento sa 23 milyong populasyon sa Taiwan ay mga new immigrant o mga dayuhan na piniling permanente ng manirahan doon at mga nagtratrabaho tulad ng mga Overseas Filipino Workers.

Pero dahil sa kakaunti pa rin ang mga Taiwanese na nakakaintindi ng Wikang Ingles at Mandarin Chinese ang wika sa bansa, pahirapan ang pakikipag-komunikasyon ng mga ito.

Kaya naman may programa ang pamahalaan ng Taiwan ng libreng Chinese language training sa mga nangangailangan.

Kasama sa nakikinabang sa programang ito ang mga OFW o oveseas Filipino workers na libreng tinuturuang magbasa, magsulat at magsalita ng Mandarin Chinese.

Isa na si Grace Ye, Pinay na nakapangasawa ng Taiwanese, sa determinadong matutunan ang Mandarin Chinese para na rin sa kanilang anak.

“Kailangan ko matuto ng Chinese para sa sarili ko at lalo na sa biyenan ko dahil hindi sila marunong mag-English at saka para sa anak ko. ‘Pag nag-aral na siya, kailangan ko siyang turuan…kasi ito na ‘yung buhay natin…andito na tayo sa Taiwan, so kailangan natin matutunan ang salita nila para na rin sa sarili natin,” pagbabahagi ni Ye.

Marami sa mga kababayan natin dito sa Taiwan ay sinusulit ang free Chinese language training na ibinibigay ng MECO o Manila Economic and Cultural Office at ng GWO o Global Worker’s Organization na isang non-profit organization.

Ilang taon ng nagbibigay ng libreng Chinese lessons sa mga migrant worker ang GWO sa tulong ng National Taiwan Normal University Mandarin Department. At ayon pa kay Karen Hsu, founder ng GWO, mahalagang matutunan ng mga migrante ang Mandarin Chinese para na rin sa kanilang maayos na pakikisalamuha sa mga lokal na residente at bilang proteksyon sa sarili.

“Learning Chinese is not just about learning a language. It can also help factory workers protect themselves during an emergency in the workplace. It is also useful in communicating with Taiwanese co–workers,” ani Hsu.

Ang Pinoy na si Eduardo Bagayan na dating factory worker sa Taiwan ay isa na ngayong translator sa isang manpower agency dahil na rin sa pagsisikap niyang matutunan noon ang Mandarin Chinese.

“…nagsimula ako bilang factory worker at nakakita ako ng opportunity na pwede pa pala ako mag–stay bilang translator or coordinator kasi marami ng brokers ngayon ang nagha–hire,” kwento ni Bagayan.

Malaki rin ang naging pakinabang ng Pinay na si Malu de Leon sa kanyang pagkatuto ng lenggwaheng Chinese. Dati siyang caretaker sa Taipei na umuwi na ng Pilipinas at ngayon ay nagtatrabaho bilang translator sa isang Chinese construction company sa Naga City kung saan siya sumisweldo ng halos 30 thousand pesos kada-buwan.

“Umuwi na ako sa Pilipinas for good dahil natapos ko na ang kontrata ko sa Taiwan. Dahil natuto ako magsalita ng Chinese dahil sa mga amo ko, nagamit ko ‘yun dito…Ngayon nakasama ko na pamilya ko,” sabi ni De Leon.

Panoorin ang iba pang ulat ng TFC News APAC sa tfc.tv. 



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...