NEWS
  •  
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US
 
 
 
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • HOME
  • SHOWS
  • MOVIES
  • NEWS
  • EVENTS
  • PROMOS
  • SARI-SARI
  • COMMUNITY
    • COMMUNITY FEATURES
    • COMMUNITY FEATURES
    • BARANGAY BILLBOARD
    • BARANGAY BILLBOARD
    • OFW-RELATED INFO
    • OFW-RELATED INFO
  • MORE
    • ADVERTISE WITH TFC
    • SUBSCRIBE
    • CONTACT US

Konsulado ng Pilipinas sa HK, Hinimok ang mga Pinoy na Magpabakuna laban sa COVID-19

Apol Mabini, TFC News Philippines | April 27, 2021
  • SHARE:

Hong Kong – Hinikayat ni Philippine Consulate General to HK Raly Tejada ang mga Pilipino sa Hong Kong na magpabakuna bilang proteksiyon laban sa Coronavirus. Libre at boluntaryo ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa siyudad sa lahat ng mamamayan kabilang na ang mga Pilipino.

“Sa kabuaan po, we are about 226 thousand na Filipinos dito sa HK, so lahat po tayo ay eligible magpabakuna dito sa HK. Sa kasalukuyan po, may dalawang vaccines na available para sa lahat ng mga tao sa HK, ito po ay ang CoronaVac na Sinovac at ang Comirnaty ng BioNTech na makikita sa lahat ng Community Vaccination Centres, kailangan lang po nating magpaschedule...The vaccines are also available at General Out-patient and private clinics para doon sa may kakayahang pumunta sa mga private clinics,” pagbabahagi pa ni ConGen Tejada sa webinar na “COVID Vaccine, Alamin Natin!” na ipinalabas noong April 18 sa Facebook livestream sa pangunguna ng UPAAHK o University of the Philippines Alumni Association Hong Kong.


Philippine Consulate General to HK Raly Tejada. Screengrab from the webinar. Image credit: UPAAHK

Dagdag pa ni ConGen Tejada, may oversupply ng COVID-19 vaccines sa Hong Kong ngunit ang malungkot, mababa ang porsyento ng mga nagpapabakuna sa mga Pilipino sa siyudad.

“Just to reassure the public, there’s an oversupply of vaccines in HK, ito yung isang anomaly dito, one of the few places in the world where ang dami-daming vaccine pero napaka low ng uptake,” ani ConGen Tejada.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Gerardo “Gap” Legaspi sa nasabing webinar kung bakit mahalagang mabakunahan ang indibidwal laban sa COVID-19. Matatandaang si Dr. Gap ang kauna-unahang medical frontliner na nabakunahan sa Pilipinas noong nagsimula ang COVID-19 inoculation sa bansa noong Marso a-uno. Siya ang kasalukuyang Director ng UP-PGH at isang Associate Professor sa Department of Neuroscience ng unibersidad.

“…maya’t-maya nagkakaroon tayo ng trangkaso pero kokonti po ang namamatay sa atin dahil nakakayanan ng ating immune system. Ang kinaibahan po sa COVID na virus na parang trangkaso rin sa karamihan sa atin na nagkakasakit dahil 98% ay mild lang, eh dahil hindi siya kilala ng ating katawan dahil bago siya, maraming mga nakakapinsalang proseso na nati–trigger sa ating katawan kaya nauuwi sa pagkamatay ng mga dalawang porsyento ng mga nagkakasakit nito...Ang panlaban sabi ko nga: ang ating immune system, ang iwasang makuha siya at pangatlo po ay ang bakuna,” paliwanag ni Dr. Gap.

Dr
Dr. Gerardo “Gap” Legaspi. Screengrab from the webinar. Image credit: UPAAHK

Ibinahagi rin ni Dr. Gap na kapag nabakunahan na ang isang tao ng panlaban sa COVID-19, maaari pa rin siyang dapuan ng nasabing sakit pero maliit na ang tyansang ikamatay ito ng pasyente: 

“Para maintindihan n’yo, kahit nabakunahan na kayo pwede pa kayong makakuha ng COVID-19 infection pero ang madalas na mangyayari, para na lang kayong nagkatrangkaso. But in almost 100% of the time pag nabakunahan kayo, ang tyansang mamatay kayo ay napakaliit na...Ang sabi nga po ng WHO, umabot na ng 50% ang pag-iimprove ng iyong tyansang magsurvive ka kung magkaCOVID ka na severe ay malaking karagdagan na sa ikabubuti ng mga pasyente. Almost 100% po, karamihan ng mga bakuna will prevent ang mga severe na COVID-19 disease,” ayon kay Dr. Gap. 

Dagdag pa ni Dr. Gap na maraming benepisyo ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay na Coronavirus:

“…not  only  for our health, but also for our daily lives. Siguro po hinihintay na nating mabalik sa normal ang ating buhay at katulad po ng mga sinasabi ng mga eksperto, hindi po tayo magkakaroon ng herd immunity ng walang bakuna. At hindi tayo makakagalaw kagaya ng dati, kung walang herd immunity. So bakuna po ang solusyon sa pagtatapos ng pandemyang ito.”

Muling hinikayat ni ConGen Tejada ang mga Pilipino sa Hong Kong na i-avail ang libre at boluntaryong pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa Hong Kong: 

“…the PCG encourages all Filipinos in HK to avail themselves of the vaccination program…I’d like to urge everyone, all the Filipino community, 226 thousand, 125  strong Filipino community in HK to seriously consider having yourselves vaccinated because I believe this is the only way out of this pandemic...the danger is still there, meron pa rin pong silent transmission sa community although our figures lately has been less than 10, positive cases, we continue to hope that it will improve but ang best protection really is to get ourselves vaccinated so that we can protect ourselves, and protect others.”

Bisitahin ang link na ito para sa online booking system ng COVID-19 Vaccination Programme ng gobyerno ng Hong Kong. May option ang sinumang mamamayan sa siyudad kung ano ang bakunang pipiliin niya sa pagitan ng Sinovac o Comirnaty ng BioNTech.

Source: University of the Philippines Alumni Association Hong Kong (UPAAHK)



EXPLORE WHAT'S MORE

The Filipino Channel
Cinema One
ANC
myxTV
Cinemo
Jeepney TV
DZMM TeleRadyo
MOR Entertainment
iWantTFC Originals

Content

  • Channels
  • Movies
  • News
  • TV Guide
  • OFW-related Info

Platforms

  • Cable and Satellite
  • TFC on YouTube TV
  • TFC IPTV
  • iWantTFC
  • Made For YouTube

Services

  • TFC Store
  • TFC Phone in 101

Experiences

  • Billboard
  • Community Features
  • Events

More

  • Advertise with TFC
  • Promos
  • Subscribe
  • Contact Us

Follow Us On:

  • About
  • Contact Us
  • Terms of Use
  • Privacy Policy
  • Tax Strategy
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Advertise with TFC
© TFC 2025. All Rights Reserved.
 

Select Your City

LOS ANGELES, CA TAMPA, FL SF BAY AREA

Redirecting... One Moment Please

  Processing...