Ang dating child star na si Makisig Morales, may iba ng pinagkakaabalahan ngayon sa Australia—ito ang kanyang negosyong online food delivery. Habang ang dating PBB housemate na si Ylona Garcia, nag-aaral naman ng kursong Business Management habang suma-sideline bilang fast food service crew sa Sydney.
Nag-migrate ang pamilya nina Makisig sa Western Australia noong 2014 at noong nakaraang taon lang siya ikinasal sa beauty queen na si Nicole, isang Filipino-Australian. At nang dahil sa COVID-19 pandemic, naisipan nilang magkaron ng online food delivery business na patok na patok sa kanilang mga suki.
“…mas marami-rami po kahit nawala ‘yung COVID at paminsan-minsan lumalabas po kami dahil ok ang deliveries. Ito nag–lessen na po, akala namin makakalabas na mga tao, malakas pa rin po, Praise the Lord,” pagbabahagi ni Makisig.
Samantalang si Ylona Garcia, naunsyami man ang kanyang pagpunta sa Amerika para ipagpatuloy ang kanyang singing career, ginugugol naman niya ang kanyang oras sa pag-aaral ng kursong Business Management sa Sydney at nai-enjoy rin niya ang kanyang raket bilang service crew sa isang sikat na fast food chain.
“Working in Macca’s has been a goal of mine even before I entered the entertainment industry, it’s been very informative and everybody has been super sweet to me, I’ve been learning all the things that I want to learn from working at McDonald’s and the environment here in Australia is like countryside-ish type of feel, very chill,” sabi ni Ylona.
Napakaraming buhay ang binago ng pandemya pero patunay na kapag may determinasyong matupad ang mga pangarap, ang mga halimbawa nina Makisig at Ylona ang imahe ng mga Kapamilya stars na patuloy na nagniningning kahit nasa gitna ng napakalaking hamong kinakaharap ngayon ng mundo—ang patuloy na pakikipaglaban sa COVID-19.
Panoorin ang iba pang ulat ng TFC News APAC sa tfc.tv.