Hindi mapagkakaila na nakakadagdag ng stress at anxiety ang kasalukuyang sitwasyon dulot ng COVID-19. Higit pa sa mga negatibong news, ang pagkakaroon ng limitadong social interaction dahil sa mga lockdown at safety protocols ay nakakadagdag sa kalungkutan at emotional distress ng bawat isa.
Para maibsan ang kalungkutan na ito, makabubuti na magkaroon ng social interaction gaya ng pag-participate sa video calls sa inyong mga kapamilya at kaibigan. Maaari ring mabawasan ang anxiety o emotional distress sa pamamagitan ng pag-exercise.
Isa pang paraan ay ang nutritional therapy o ang pagkain ng tamang food. Ang pagkain ng tama ay makakatulong sa overall physical at mental health ng isang tao.
Heto ang ilang mga pagkain na tiyak na makakabawas ng anxiety:
1. Vitamin D-rich foods
Kapag konti lang ang vitamin D sa ating katawan, nakakaramdam tayo ng kalungkutan o pagiging “low.” Madalas makakuha ng Vitamin D mula sa kakaunting sunshine. Pero dahil sa COVID-19, mas mabuti na makakuha ng Vitamin D mula sa salmon o mackerel.
2. Omega-3 fatty fish
Healthy fats naman ang makukuha sa mga isda gaya ng salmon, sardines, trout, at tuna. Nakakatulong ang Omega-3 sa pagbibigay ng mahimbing na pagtulog dahil sa anti-inflammatory effect nito sa ating mga brain.
3. Pumpkin Seeds at Saging
Nakakatulong rin ang potassium para ma-regulate ang electrolyte at blood pressure. Makukuha ang potassium sa mga pagkain gaya ng pumpkin seeds at saging.
4. Dark Chocolate
Nakakatulong sa pag-release ng serotonin o happy hormones ang chocolate. Bagaman mas masarap ang milk chocolate o mga chocolate na mas mataas ang sugar content, ang pagkonsumo ng maraming sugar ay nakakasama sa overall mental health ng isang tao. Mas mainam na kumain ng dark chocolate dahil sa less sugar nito.
Image Source: Photo by Gareth Hubbard | Unsplash