Naging parte na ng “new normal” ang videoconferencing. Sa panahon ng pandemiya, nag-shift ang karamihan ng mga trabaho sa work from home setup.
Ang mga regular meetings ay napalitan na ng virtual meetings gamit ang videoconferencing. Maski ang mga classes sa iba’t ibang bansa ay gumagamit na nito para sa kanilang online classes. Gamit ang mga video call tools gaya ng Zoom, Teams, Skype, at Google Meet, nakakapag-communicate ang mga magkakatrabaho at clients sa iba´t ibang parte ng mundo.
Bagaman marami na ang gumagamit ng video calls, hindi lahat ay comportable sa paggamit nito. Kapareho ng mga may phone anxiety, nagkakaroon rin ng anxiety sa videoconferencing.
Ayon kay Prateeksha Shetty, isang clinical psychologist sa RAK Hospital, nanggagaling ang anxieties na ito dahil sa mga pressures na dala ng work from home at pandemiya. Kasama ng mga uncertainties na dala ng COVID-19, naroon rin ang uncertainty ng trabaho, unpredictable life situations, at trauma.
Heto ang ilang mga tips para malabanan ang anxieties na ito:
- Mag-meditate 20-40 mins bago ang video call.
- Breathing exercises.
- Huwag buksan ang iyong video camera.
- Kung hindi pwedeng tanggalin ang video, mag-focus sa imahe ng isang katrabaho kaysa sa sariling imahe.
- Mag-mute muna kung hindi kailangang magsalita.
Dagdag pa sa mga tips na ito, maaari mo ring tignan ang videoconferencing etiquette para mas maging pamilyar at kumportable sa video calls.
Image Source: Alexandra_Koch | Pixabay