Jollibee, magbubukas ng kauna-unahang branch sa Wales
Magbubukas ang Jollibee sa dating lokasyon ng Burger King sa corner ng Queen Street at Charles Street. Mayroon itong dalawang floors at seating capacity na 124
EMEA Admin | July 23, 2021
GOOD NEWS para sa mga Pinoys at Pinoys-at-heart sa Cardiff, Wales! Mas malapit na ang susunod mong fix ng Jolly Spaghetti, Chickenjoy, at Jolly Fries. Magbubukas na ang Jollibee branch sa Cardiff sa darating na July 24. Ito ang kauna-unahang UK branch ng Jollibee sa labas ng England, at isa sa 50 locations na balak ilunsad ng Jollibee sa UK hanggang 2025.
Magbubukas ang Jollibee sa dating lokasyon ng Burger King sa corner ng Queen Street at Charles Street. Mayroon itong dalawang floors at seating capacity na 124.
Ito ang panglimang branch ng Jollibee sa UK, kasunod ng kakabukas lang din na Jollibee branch sa Leicester Square kamakailan. Plano ng Jollibee UK na magbukas ng anim pang dagdag na branches sa bansa ngayong taon. Magkakaroon na ng Jollibee branches sa Edinburgh, Newcastle, Leeds, Nottingham, at Reading.
Anong Jollibee location ang susunod mong aabangan?