Mula sa ulat ni Rose Eclarinal, TFC News
Patuloy ang pagbaba ng hospital admission ng COVID patients sa Belgium. Kinumpirma rin ng Sciensano Health Institute na mga mas bata at mga overweight patients ang kadalasang naa-admit ngayon, kumpara sa mga pasyenteng halos edad 70 pataas noong unang wave ng COVID sa bansa.
Sa kasalukuyan, kalahati ng mga pasyenteng nao-ospital ay nasa edad 60-65 years old. 31 percent naman ang nasa edad 40-50.
Samantala, sa French region naman ng bansa ay may naitalang 28 matatanda at limang staff sa isang retirement home na nagkaroon ng COVID sa kabila ng pagkakaroon ng bakuna. Bagama’t walang sintomas ang 33 katao mula sa naturang nursing home, nagsilbi pa rin itong reminder para sa mga taga-Belgium na manatiling maingat kahit pa nabakunahan na.